Advertisers
Patay ang dalawang holdaper nang manlaban sa mga pulis sa Quezon City.
Sa ulat, rumesponde ang pulisya nang magsumbong ang isang babae na hinoldap.
Pinaputukan umano ng mga suspek ang mga pulis, dahilan para gumanti ang mga ito ng putok.
Nakuha sa mga napatay na suspek ang ilang armas at bala ng baril, at 18 pakete ng hinihinalang shabu.
Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng mga nasawing suspek.