Advertisers
KUMAMADA si Jimmy Butler ng 17 points at humatak ng 10 rebounds upang pamunuan ang opensiba ng Miami Heat laban sa Milwaukee Bucks 103-94, kahapon at umabante sa Eastern Conference finals.
Nagdagdag si Goran Dragic ng 17 points para sa Miami, na tinapos ang best-of-7 series sa 5 games.
Hihintayin ng Heat ang mananalo sa pagitan ng Boston Celtics at Toronto Raptors sa kanilang semifinals na nangunguna ang Celtics 3-2.
Huling narating ni Erik Spoelstra at ng Heat ang NBA Finals ay noong 2014 pero natalo sila sa San Antonio Spurs.
Brooke Lopez nag-ambag ng 15 points at 14 rebounds.
Reigning NBA Most Valuable Player Giannis Antetokoumpo – na puntirya ang ikalawang dikit na MVP award ngayon season ay lumubha ang kanyang right ankle sa first half ng Bucks Game 4 overtime victory.
Idineklara ng Bucks na inactive siya isang oras bago magsimula ang laban kahapon.
Ang pagkawala ni Antetokoumpo, nag- average ng career-high na 29.5 points at 13.6 rebounds per game ngayon season, ay malaking kawalan sa Bucks.
Noong 2019 nabigo sila sa eventual champion Toronto Raptors sa six games sa Eas-tern Conference finals.