Advertisers

Advertisers

KONSEHAL SA QUEZON KINASUHAN SA OMBUDSMAN

0 340

Advertisers

NASASANGKOT muli sa panibagong kaso si Lopez, Quezon Councilor Arkie Yulde dahil sa paglabag umano nito sa ilang probisyong nakasaad sa Republic Act no. 11469, o mas kilala bilang ‘Bayanihan Heal As One Act’.

Ito’y matapos maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman si Isaias Bitoin Ubana II at inilahad nito ang mga pagkakataon nilagay ni Yulde sa delikadong sitwasyon ang mamamayan ng quezon sa gitna ng pagkalat ng Covid-19 noong uwan ng Mayo, 2020.

Base sa reklamo, nag-post si Yulde ng isang flowchart at tinawag itong “guidelines on the implementation of community quarantine” sa kaniyang facebook page.



Ayon pa sa reklamo, hindi aniya ito ang opisyal na guidelines mula sa Inter-Agency Task Force on the Management of the Infectious Diseases (IATF – EID) na siyang tanging gumagawa ng pag-aaral at mga rekomendasyon ng pamahalaan patungkol sa Covid-19. Dagdag pa nito, tadtad ng technical errors at maling impormasyon ang nasabing flowchart dahil hindi naman miyembro si Yulde ng IATF sa nasabing lugar, at dahil sa maling impormasyon, nagresulta ito sa pagkalito ng mga residente.

Sa pangalawang pagkakataon, muling nilabag umano ni yulde ang batas kung saan hindi ito dumaan sa tamang proseso sa pagsasagawa ng relief goods distribution. Ayon sa batas, hindi pinapayagan ang pagsasagawa ng anumang relief goods distribution na walang kaukulang permit at koordinasyon, ito ay para masiguro na ligtas itong pinapatupad batay sa madatory health protocols na inilatag ng IATF.



Sa ginawang relief goods operations sa iba’t-ibang barangay ng Lopez, makikita sa ilang larawang inilabas sa facebook page nito, na wala itong suot na facemasks—isa namang mariing paglabag sa R.A. 11469 at sa municipal ordinance 2020-04 (annex ‘n’) na siyang binuo ng Sangguniang Bayan ng lopez, kung saan miyembro ang nasabing konsehal. Dahil sa hayagang hindi pagsunod sa batas, magkailang beses nilagay sa panganib ang mamamayan ng Lopez mula sa covid-19.

Si Yulde ay tumatakbo ngayon bilang alkalde ng bayan ng Lopez, sa ilalim ng Lakas-CMD, na pinamumunuan ni Governor Danilo Suarez bilang co-chair ng partido.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">