Advertisers

Advertisers

La Union P4.7-B bypass road, 80.12% na ang natatapos — DPWH

0 453

Advertisers

HINDI nagpapaawat ang Department of Public Works and Highways (DPWH), sa pamumuno ngayon ni Acting Secretary Roger G. Mercado , sa paggampan at pagsasakatuparan ng mga proyektong mahalagang sangkap ng pag-unlad at pagsulong SINABIng bansa.

Isa sa mga proyektong ito ng DPWH ay ang P4.7-bilyong halaga ng bypass road na 80.12 porsiyento na bahaging natatapos.

Wow, ang husay!



Ang kalsada ay magsisilbing “alternatibong ruta” ng Manila North Road para sa mga biyahero mula Bauang, San Fernando City at San Juan, La Union, banggit ng DPWH.

“A total of P4.697 billion is required to fully complete the whole stretch of the bypass road, of which, P2.026 billion (was) released from 2018 to 2022,”paliwanag ng DPWH.

“The bypass road project based on total released funds managed to reach an accomplishment rate of 80.12%,” dugtong ng kagawaran.

Ang 22.2-kilometer Bauang-San Fernando City-San Juan Bypass Road project ay inaasahang magpapaluwag sa daloy ng trapiko sa Manila North Road section sa pagitan ng Barangay Payocpoc, Bauang at Barangay Taboc, San Juan.

Higit, estratehiko ito sa pagsulong at pag-angat ng ekonomiya.



Ang proyekto na nagsimula noong 2018 ay may dalawang sections: ang 7.8-kilometer Bauang Section at ang 14.4-kilometer San Fernando City-San Juan Section.

Pinaniniwalaan ding magsisilbing ito ng tagapag-ugnay sa iba pang major roads tulad ng Bauang-Baguio Road, San Fernando-Bagulin Road at San Juan-San Gabriel Road na patungong Kapangan, Benguet.

Ayon sa DPWH, ang nasabing proyekto ay kinabibilangan ng pagtatayo ng 18 tulay kung saan ang tatlo ay natapos na habang ang isa ang itinatayo pa at ang 14 pang natitira ay naghihintay pa ng pondo.

“We understand that a properly-realized road network plays a vital role in nation-building. That is why the DPWH vows to continue providing much-needed road infrastructure to promote economic development all over the country,” pahayag ni Acting DPWH Secretary Roger G. Mercado.

Para sa taong ito, sinabi ng departamento na umaasa sila na magbubukas ang 2.64 kilometers para sa Bauang Section, gayundin ang pagtatayo ng Bauang Bypass Bridge na nay sukat na 895.9 meters, habang magbubukas din ang panibagong 1.87 kilometers na daan para sa San Fernando City-San Juan Section.

“The rest of the bypass road project is already programmed for implementation in 2023 and 2024, with funding earmarked at P2.671 billion,” ayon pa sa departamento.

“When completed, travel time between the towns of Bauang and San Juan will be cut in half from the current one hour to just 30 minutes,” dagdag pa

Samantala, isang kakaibang multi-purpose building project na may iconic architectural design ang itinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Lalawigan ng La Union at ito ay magsisilbing bilang panibagong landmark sa Lungsod ng San Fernando.

Personal na ininspeksyon ni DPWH Secretary Roger G. Mercado ang ginagawang pagtatayo ng ?280 Million La Union Convention Center Project sa Barangay Sevilla, San Fernando City, La Union noong Feb. 23, 2022.

Kasama ni Sec. Mercado sa ginawang project visit sina Undersecretaries Roberto R. Bernardo at Eugenio R. Pipo Jr.; Assistant Secretaries Antonio V. Molano Jr. at Ador G. Canlas; Region 1 Director Ronnel M. Tan; at iba pang Regional at District officials ng Ilocos Region.

Ayon kay Director Tan, ang tatlong (3) palapag na multi-purpose building na nasa isang burol na may kakaibang architectural at aesthetic design ay sumasalamin sa reputasyon ng La Union bilang surfing destination sa hilagang bahagi ng Pilipinas.

Ang floor area ng nasabing gusali ay may sukat na 2,000 metro kwadrado at may kakayahang tumanggap ng may 1,500 indibidwal na bibisita sa convention center kapag may mga events tulad ng exhibits, conventions, tradeshows, meetings, programa ng gobyerno at ilan pang pampublikong gawain.