Advertisers
DALAWANG personalidad na kapwa nakadikit sa pangalan ni outgoing Malabon City Mayor Antolin “Len” Oreta ang nagsasabog ng lagim sa Malabon City.
Sila ang mag-amang MARIO BUKBOK at anak nitong si Barangay KAPITAN BUGOK na pasimuno ng lahat na ata ng sugal-lupa sa nasabing siyudad at nakakarating pa sa karatig na lungsod ng idol nating si Navotas Mayor Toby Tiangco.
Ngayon ngang papalapit na ang paglayas nitong si Mayor Len sa city hall ng Malabon, nakaisip ng kupal na ideya ang mag-amang tarantado.
Doble-carang diskarte ang kanilang isinasagawa.
Palihim itong nagkakaloob ng pinansiyal na suporta kay mayoralty aspirant Jennie Sandoval na isa sa mga llamadong kandidato sa pagka-alkalde ng Malabon City para sa May 9,2002 elections habang pilit na ipinakikita sa pamilya Oreta at kay Mayor Len na solidong suportado ng mag-amang Mario Bukbok at Kapitan Bugok si Jose Lorenzo Oreta, nakakabatang kapatid ni Mayor Len Oreta at kasalukuyang sitting councilor ng siyudad na tumatakbong alkalde rin ng Malabon.
Siyempre ang dahilan ng pindehong mag-ama, makapagpatuloy na makapamayagpag ang kanilang gambling empire.
Dahil nga nakasandal at nakatungtong kay Mayor Len Oreta na parang mga BANGAW ang mag-amang MARIO BUKBOK at KAPITAN BUGOK, nakatali kapwa ang kamay ng chief of police ng Malabon PNP na si Colonel Angela Rejano at Northern Police District Office (NPDO) Director, PBGEN JOSE SANTIAGO HIDALGO JR.
Speaking of NPDO, naniniwala tayong “BUKOL” ang inaabot nitong si General Hidalgo mula sa isang Colonel Moises V (as in vices) na umano’y kapustahan ng kupal na mag-amang gambling lords.
Nagyayabang ang mag-amang MARIO BUKBOK at KAPITAN BUGOK na mga “patabaing-baboy” lamang ang mga miyembro ng NPDO dahil ubod umano ng takaw sa intelihensiya (PAYOLA).
Kung totoo man ito o hindi, wala na tayong keber dito.
Ang masakit lamang ay sa parte ni Colonel Rejano ng Malabon PNP na isang respetado at iginagalang ng police office.
Si Col. Rejano po for your information ang kauna-unahang female police officer sa buong NCR na naitalaga bilang chief of police ng isang siyudad dito sa Metro Manila.
Mananatiling bukas ang linya ng komunikasyon natin para kay Col. Rejano para dinggin ang kanyang panig patungkol sa mga kagaguhang pinaggagagawa ng MARIO BUKBOK na ito pati na rin ang anak nitong Barangay official na nagsisilbing “finance officer” ng gambling empire ng mga ito sa kanyang AOR.
Partner in crime ang mag-amang ito na sumasalok ng sandamukal na kuwarta mula sa kanilang iligal na opisyo.
May ilang panahon na ring nakakubli sa impluwensiya at pangalan ni Mayor Len Oreta itong sina MARIO BUKBOK at KAPITAN BUGOK ngunit lingid sa kaalaman ni Mayor Len, mistulang AHAS ang mag-amang ito na handa na siyang tuklawin at traydurin, maisalba lamang ang raketa sa iligal na pasugal ng mag-amang ito diyan nga sa siyudad ng Malabon.
Literal na sa mga Oreta nakuha ng mag-amang ito ang yamang ipinalalamon ng mga ito sa kanilang pamilya pero may tapang at apog pang traydurin ang kanilang amo ngayong eleksyon.
Sana magising si Mayor Len Oreta sa katotohanang nag-aalaga ito ng AHAS sa katauhan ng mag-amang MARIO BUKBOK at KAPITAN BUGOK!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com