Advertisers

Advertisers

Higit 400 distressed OFWs balik-Pinas na – DFA

0 178

Advertisers

MATAGUMPAY na naiuwi ng ligtas sa bansa ang nasa mahigit 400 distressed overseas Filipinos.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ilan sa mga na-repatriate nasa 203 dito ang nagmula sa Macau, 53 mula sa Thailand at 142 mula sa Vietnam.

Sinabi ng DFA, ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na napauwi sa pamamagitan ng government-initiated flights mula Macau ay nasa 5,761 mula nang umusbong ang coronavirus outbreak noong taong 2020.



Nasa kabuuang 808 OFWs naman ang napauwi na mula Thailand na nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya.

Naiuwi na rin sa bansa ang mga labi ng tatlong Pilipino na nasawi sa autonomous region dahil sa non-COVID medical conditions. (Josephine Patricio)