Advertisers

Advertisers

Si Leni sa People’s rally, si BBM sa survey

0 220

Advertisers

DITO sa huling tatlong People’s rally ng Leni-Kiko tandem, kung lahat ng dumalo at nakasuot ng pink ay boboto nga sa tandem na ito, masasabing ang sunod na pangulo ay isang abogada at ekonomista, si Leni!

Opo! Sa kanilang rally sa Pampanga, ang balwarte ng pinakamalakas na supporter/financier ni Bongbong Marcos Jr. na si dating Pangulo Gloria M. Arroyo, nagtala ng mahigit 400K crowd. Wow! Talagang hindi mahulugan ng karayom ang venue.

Hindi napigilan ng kalaban ang pagbuhos ng kakampinks mula sa kungsaan-saang bayan ng Pampanga. Tameme nalang rito si GMA.



Sa Pangasinan naman, ay halos kalahating porsiyento ng populasyon ay nasa rally ng Leni-Kiko team, higit 70K ang dumalo, ayon sa estimate ng pulisya. Karamihan sa mga dumalo ay kabataan. Hindi raw sila hakot. Wow!!!

At sa Davao del Norte, ang balwarte ng Duterte na kaalyado ng Marcos, hindi inaasahan ang crowd na more or less ay nasa 40K. Lupet!



Kung pag-iipunin ang lahat ng mga pumunta sa mga nakaraang rally ng Leni-Kiko, tingin ko ay mahigit 25 milyon na ang kanilang boto (kung boboto nga sa kanila ang mga dumalo). Mismo!

***



Habang papalapit ang halalan at nakikita na kung sino ang mananalo sa presidential race, nagtatalununan na ang mga traditional politicians na gustong makakuha ng akomodasyon kapag nanalo ang susuportahang pangulo.

Oo! Karamihan sa mga tumatalon ay kay Leni pumupunta. Kaya naman palakas nang palakas ang kakampinks.

Dahil dito ay nagpapanik na ang kampo ni BBM. Nagpakawala pa ng trolls sa social media para wasakin ang momentum ni Leni. Kaso maagap ang Facebook, kaagad tinatanggal ang mga accounts na nagpapakawala ng mga maling impormasyon. Hehehe…

***

Kung mga survey ang pagbabasehan, landslide ang panalo ni BBM. Oo! Higit 50 percent ay pabor sa kanya para maging pangulo. 36 million votes nga raw ang kanyang makukuha sa halos 70 million botante. Wow! History ito pag nangyari.

Si Rodrigo Duterte ay nakakuha lamang ng 16 million plus nang manalo noong 2016.

***

Sabi ni presidential aspirant Senador Ping Lacson, kaht napag-iiwanan siya sa survey, hindi siya aatras. Lalaban siya up to the end. Talagang fighter itong dating Chief PNP.

Ganito rin ang pahayag nina Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao.

Pero sa aking opinyon at pakiramdam, malabo nang makahabol pa sina Ping, Isko at Manny sa frontrunners na sina Leni at BBM. Kasi ang kanilang ratings sa survey ay less 10 percent lang, at kahit sa kanilang mga rally ay wala sa kalahati ng mga sumisigaw sa rally nina Leni at BBM.

Kaya kung ako sa tatlong presidentiables na ito, tanggapin na nila ang pagkatalo at suportahan nalang ang winnable presidentiable na may malinaw na plataporma at walang bahid ng katiwalian ang pangalan. Mismo!