Advertisers
TRUE na marami pang puwedeng mangyari sa naitirang halos isang buwan bago ang halalan sa May 9.
Tulad na lang ng singer-actress na si Marissa Sanchez na sumuporta kay Ping Lacson bilang kandidato niyang pangulo.
Sa isang campain rally kamakailan ng Ping Lacson-Tito Sotto tandem, inihayag ni Marissa ang suporta niya kay Lacson. Ipinaliwanag niya ito sa kanyang posts sa Instagram.
Sey ni Marissa, maprinsipyo siyang tao at tinanggihan niya ang ibang grupo ng kandidato na kumukuha sa kanya na magtanghal at mag-host sa rally.
Katunayan, pumayag lang daw siya na mag-host at kumanta sa Lacson-Sotto rally dahil bet niyang VP si Tito Sen at hindi niya mahihindian. Pero malinaw daw ang usapan nila ng komontak sa kanya na si Tito Sen lang ang isu-support niya sa rally at quiet lang siya pagdating kay Lacson.
Pero bigla niyang sinabi na nakapagdesisyon na siya na si Lacson lang ang may kakayahan na maging lider ng bansa.
“That night, I can’t help but be mesmerized by Sen. Lacson’s gestures, the way he stand, sit, talk, walk, move and so on…,” post niya sa Instagram.
Nanumbalik umano sa alaala ni Marissa ang mga nangyari noon tulad ng hindi pagsuporta ni Lacson sa impeachment ni dating President Erap Estrada, mga kontrobersiyang kinasangkutan ng senador noong pulis pa, hanggang sa paglaban ni Lacson sa katiwalian at hindi pagtanggap ng pork barrel funds.
“For some magical, unexplainable moment, I was blown away by my emotions recalling that when I was younger I supported Sen. Lacson for President many-many years ago. I believe in his slogan “Kamay na Bakal,” lahad ni Marissa.
Alam daw niya na maraming magagalit at masasaktan sa mga sinasabi niya pero ang hiling niya sa mga tao— “but it takes a lot of thinking to go back to your senses and rethink. There’s still time to rethink! Rethink!”
At ang dalangin ni Marissa para kay Lacson, “Sana po manalo po kayo Mr President Ping Lacson.” (BKC)