Advertisers
Ni WALLY PERALTA
FINALLY after almost years of waiting ay mapapanood na rin sa wakas ang masasabing comebacking serye ng reel and real life sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang “2 Good 2 Be True”. This coming May 16 on various ABS-CBN platforms like Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TV5, iWantTFC, and TFC.
On Netflix, the airing will be 72 hours advance. Take note, halos kapanabayan ng pagpapalabas ng serye nina Daniel at Kathyryn ang telecast sa Netflix, o di ba sosyal.
Trailer palang ng “2 Good 2 Be True” ay marami nang Kathniel supporters ang kinilig lalo pa ang direktor ng naturang serye ng dalawa ay siya ring direktor ng mga movies na ginawa nila tulad ng ‘Crazy Beautiful You’ at ‘Can’t Help Falling in Love’ na si Mae Cruz Alviar.
Istorya ng isang nars na ginampanan ni Kathryn at ng isang petty thief naman si Daniel, na nagkrus ang landas at doon na nagsimula ang istorya ng kanilang pagmamahalan. Kasama rin sa serye sina Kristel Fulgar, Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, Irma Adlawan, Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, and Smokey Manaloto, Matt Evans, Jenny Miller, Yves Flores, Pamu Pamorada, Gillian Vicencio, Bianca de Vera, at Alyssa Muhlach.
***
PANSAMANTALA man nahinto ang seryeng gagawin nina Jennylyn Mercado at Xian Lim, ang “Love. Die. Repeat” ay agad naman nasalang si Valerie Concepcion sa serye nina AiAi delas Alas at Shayne Sava, ang “Raising Mamay” kaya after almost years na hindi lumabas sa mga serye, finally mapapanood na muli si Valerie.
Huling seryeng ginawa niya ay ang “Ika-5 Utos” nina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon with Ryza Cenon.
“May kasunod sana yun, yung soap with Jennylyn Mercado but she got pregnant, so it was shelved. Buti na lang, dumating itong ‘Raising Mamay’ at may trabaho na ulit ako,” say ni Valerie.
Since may tema about mother and daughter raising each other, tila nakaka-relate naman si Valerie sa bagay na ito, dahil on her own ay pinalaki niya at nagdalaga ang kanyang daughter na si Heather na turning 18 na this year.
Hindi halata sa aura ni Valerie na may anak na pala siyang dalaga na ngayong taon.
“Yes, magde-debut na ang anak ko! I’m so thankful to the Lord na naigapang ko ang pagpapalaki sa kanya on my own. I was so afraid when she turned 16 na baka magaya sa akin na naging teenage mother, so binabantayan ko talaga siya. But she is such a good daughter. She gave my life a concrete direction and I really tried hard to strive para sa kanya,” dagdag na say ni Valerie.