Advertisers

Advertisers

Ipasisinayaan na ng BI ang bagong opisina sa Makati

0 266

Advertisers

NAKATAKDANG pasisinayaan ng Bureau of Immigration (BI) ang bago nitong opisina na matatagpuan sa isang mall sa siyudad ng Makati.

Inanunsyo ni BI Makati Chief Maria Rhodora Abrazaldo ang paglipat ng BI Makati Extension Office mula sa dati nitong lokasyon sa kahabaan ng J.P. Rizal Avenue patungo sa ikalimang palapag ng Ayala Circuit Mall simula Abril 25.

Tumutugon sa Top 1000 na mga korporasyon sa Pilipinas ang nasabing extension office at patuloy na nangungunang opisina ng BI sa mga nakaraang taon.



Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, napapanahon ang paglipat sapagkat inaasahang uunlad muli ang sektor ng mga negosyo, alinsunod sa muling pagbubukas ng mga hangganan ng bansa.

“Inaasahang babalik na ang mga dayuhang imbestor ngayong tayo ay umaangkop na sa bagong normal,” sabi ni Morente. “Kaya, nakikita naming isang kinakailangan na hakbang ang paglipat sa mas malaking opisina upang makapaghatid ng mas mahusay pa na serbisyo,” dagdag niya.



Bukod pa sa kanilang opisina sa Makati, ang bagong BI Main Office na matatagpuan sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Boulevard ay inaasahan ding magbubukas na. (JERRY S. TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">