Advertisers

Advertisers

Kris ‘di pinayagan ng doktor, naiwan ng mga anak na sina Joshua at Bimby pa-Tate

0 252

Advertisers

Ni BETH GELENA

HINDI pa rin nakakaalis ng bansa si Kris Aquino.
Sa Instagram post ni Angel Locsin, binahagi ni Kris na hindi sila natuloy sa kanilang biyahe papuntang Tate para dòon ituloy ang pagpapagamot niya.
Hindi raw siya pinayagan ng kanyang doktor na magbiyahe dahil bumaba ang kanyang blood pressure.
May post dàw kasi si Angel na “sana hindi ka pa makatuloy Ate.”
Sinagot niya ang mensahe ng aktres , “Gel, ikaw kasi, last night sinabi mo na “sana hindi ka pa makatuloy, Ate…” I said, “Gel please don’t be mean, you know kailangan na talaga” then you said : “sorry Ate, selfish ako, di pa ko ready mag let go.”
Eh nasa airport na raw ang dalawang anak ni Kris na sina Josh at Bimb.
“True enough nasa airport na si kuya josh, bimb and Rochelle. My doctors didn’t clear me to travel 140/92 waking BP, 136/93 pa rin until now… hindi ko kakayanin yung long haul flight.
“Nag asthma attack last night, more thañ six weeks of chronic sinusitis, nalang na sobra sobra ang pagkabìlib at love love ko sa yo. But please makakadalaw ka naman di ba?”
Sagot ni Angel, “Nandito pa ko sa Cebu ate..Visit kita agad.”
Ayon pa kay Kris naka rebook na siya ng May 5. “i badly need to go to Houston ready.”
May tsika na ring nauna nang lumipad patungong Tate ang dalawang boys ng Queen of All.Media.
***
DALAWANG AKTOR PUMASOK NA RIN SA ANG PROBINSYANO
MAY bagong pasok.na character sa FPJ’s Ang Probinsyano, sina Jerome Ponce at Jimboy Martin.
Sa grupo ni Geoff Eigenmann nakatalaga ang dalawang actor, sa Black Ops.
Sina Ponce at Martin ang bagong dagdag sa cast ng teleserye at tila mapapabilang sa mga kalaban ni Cardo Dalisay (Coco Martin) at ng grupong Agila.
Sa episode nitong Martes, pumasok na ang karakter ni Jerome bilang si Capt. Adrian Jimenez at si Jimboy naman ay si Capt. Jeremy Ibalos.
Sina Jimenez at Ibalos ang bagong dagdag sa Black Ops na pinamumunuan ni Maj. Albert de Vela (Geoff Eigenmann) at kasabwat ni Lily Hidalgo (Lorna Tolentino).
Samantala, ano kaya ang mangyayari sa pekeng presidente ngayong umamin na itong hindi siya ang tunay na si Presidente Oscar Hidalgo? (Rowell Santiago).
Tiyak na lalong mag-aalab ang mga eksenang susunod dahil may tsikang tatapusin na raw ang actionserye ni Cardo Dalisay (Coco Martin) para bigyang daan daw ang Darna The Series ni Jane de Leon.
Eh, ang tanong, mapapantayan naman kaya ng paglipad ni Darna ang Cardo Dalisay na tumatak na sa mga manonood?