Advertisers

Advertisers

Marian mentor ni Dingdong sa bagong sitcom

0 414

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI na bago kay Marian Rivera-Dantes ang makasama sa isang sitcom, remember yung show nila noon ni Manny Pacquiao na ‘Show Me Da Manny’ last 2009 at ngayong taon nga ay muling sasabak si Marian sa isang sitcom and by this time ang mister na si Dingdong Dantes naman ang kanyang kasama sa “Jose and Maria’s Bonggang Villa” plus Shamaine Buencamino, Johnny Revilla, Pinky Amador, Benjie Paras, Pekto, Loujude, Hershey Neri, at Sparkle sweethearts na sina Jamir Zabarte at Zonia Mejia.
Dahil first time naman para sa mister niyang si Dingdong ang magkaroon ng sitcom, sinabi ni Marian na feeling pressured daw ang kanyang mister. On the rescue naman si Marian para alalayan ang mister.
“Ayun ang kailangan nilang abangan, kung paano sila mapapatawa ng asawa ko. Binigyan ng pressure ang mister ko ng sitcom namin. Ito ‘yun talagang dream ko na project na kasama ko siya. Gusto ko makita ng tao kung paano ‘yung mga timing niya sa comedy sa bahay. So, makikita na nila,” say ni Marian.
“Basta sabi niya, siya ‘yung ano ko mentor. Basta, just be yourself,” say naman ni Dingdong.
Bukod sa misis niyang laging nakaagapay sa kanya sa tapings nila ay naging inspirasyon din ni Dingdong ang pamilyang Pinoy para maging natural ang kanyang pagpapatawa dahil na rin sa likas sa mga pamilyang Pinoy ang pagiging masayahin.
“Maraming Jose at Maria, real couples out there, kasi siyempre very-very Filipino ‘yung pinagmulan ng pangalan and ‘yung inspirasyon namin ay sila,” dagdag na say pa ni Dingdong
***
KUNG hindi man bisi-bisihan ang palaban na pamangkin ng aktres na si Lara Morena, si Angela Morena ay lagare naman ang kanyang byuti sa dalawang TV series ng Vivamax, ang “Iskandalo”, streaming every Sunday at ang “High On Sex” na malapit na rin mapanood sa Vivamax App.
Halos lahat ng pelikula ni Angela ay naging mapangahas siya, daring at walang takot sa hubaran, na sa totoong buhay ay napaka-konserbatibo niya pagdating sa sex issue.
“In every role I do, I always take it seriously. Itinuturing kong challenge at pinag-aaralan kong mabuti to show that I can be a versatile actress. As of now, the roles I get are usually malayo sa totoong personality ko. Kasi hindi naman ako temptress sa totoong buhay. Very conservative nga ako,” say ni Angela.
Ano naman kaya ang masasabi ni Angela sa kanyang mga basher na malayo raw ang akting skill kumpara sa tita niya na si Lara Morena, as in wala raw emotion ang acting ni Angela?
How does she react to viewers’ negative reaction to her acting?
“I like reading the comments online. May nabasa akong wala raw emotion ang acting ko, so I watched the movie again and if I see na may point sila, then I tell them that next time, lalagyan ko na ng more emotion ang acting ko,” pahayag pa rin ni Angela.
And speaking of “High On Sex”, ang dating Hashtag member na si Wilbert Ross ang magiging love interest ni Angela, at dahil halos kaedaran lang ni Angela si Wilbert, malamang talaga na maging high on sex ang dalawa.