Advertisers

Advertisers

Barbie napabilib ang netizens nang tumagay sa inuman

0 345

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAPABILIB ang maraming netizens sa hindi pagiging maarte ni Barbie Imperial kaya mas marami pa lalong humanga sa dalaga.
May nagtagay kasi kay Barbie habang nasa kasagsagan ng pangangampanya sa isang partylist.
Inaasahan ng mga tagaroon na dahil artista at sikat si Barbie ay iisnabin nito ang alok na tagay.
Pero imbes na tanggihan ay kinuha nito ang tagay at ininom.
Kaya naman katakut-takot na papuri ang inabot ng ex gf ni Diego Loyzaga. Marunong makisama at makibagay si Barbie at walang ka-OA-OA sa katawan.
Malamang nga ay manalo ang ikinakampanya ni Barbie dahil na rin sa kanyang mahusay na pakikisama.
Ganun din si K Brosas nang tagayan habang nangangampanya na imbes tanggihan ay tinanggap nito ang bigay na tagay.
May komento pa nga ang netizens na sinayang daw ni Diego ang tulad ni Barbie.
Asa pa nga ang netizens na magkabalikan ang mag-ex kahit pa ayaw nang balikan ni Barbie once na nakipaghiwalay na ito.
***
Jodi Sta. Maria nanindigan at inilantad ang sinusuportahang Presidente
MISMONG si Jodi Sta. Maria ay inilantad na ang Presidente na sinusuportahan, ang Gobyernong Tapat nina VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan.
Ayon kay Jodi, ito na nga raw ang panahon para manindigan para sa tama.
Inilantad na ni Jodi ang kulay na Pink na kanyang sinusuportahan para sa tunay na pagbabago.
Kaya naman kahit ang mahusay na aktres ay nagboluntaryo na mag- house to house para ikampanya ang team LeniKiko.
Natuwa naman si Jodi sa kanilang pag-iikot ikot sa bahay-bahay at di naman ito nakaranas ng pagod kahit pa sa kasikatan ng araw.
Hinangaan naman ng netizens ang volunteerism ng mga artista na naniniwala na si VP Leni lang ang karapat dapat na maging Pangulo ng bansa.
Sa naghihingalong bansa ay tanging ekonomista lang ang kailangan at si VP Leni lang nga ang makakaresolba sa naghihingalong ekonomiya ng bansa.
Sa post pic naman ni Jodi ay proud siya na KakamPink.
Well, well, well…’Yun na!