Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BIG blessing kung ituring ni Winwyn Marquez ang paglabas sa mundo ng kanilang panganay na anak ng non-showbiz bf.
Ibang ligaya nga raw ang hatid ng kanyang baby girl na si Baby Luna.
Sa pagsilang nga ni Winwyn kay Baby Luna ay parang ito ang best na na-achieve nito sa buhay.
Sa socmed account ng beauty queen-actress ay ibinahagi ni Winwyn na kaarawan nito lang Mayo 4.
Kaya naman tatlong selebrasyon ang dapat ipagdiwang ni Winwyn na nagkadikit-dikit.
Sa ika-30th kaarawan ni Winwyn noon Mayo 4 ay first time nga lang siya magseselebreyt na mommy na siya.
Dagdag pa ang celebration ng Mother’s Day na nararanasan na rin niya.
Marami namang nagbigay ng mensahe kay Winwyn ganun na rin sa kanyang Baby Luna.
Pinasalamatan nang bonggang-bongga ni Winwyn ang halos lahat ng nagbigay ng mensahe sa kanilang mag-ina.
***
Anne Curtis at Coco Martin, umapir sa rally…
Leni-Kiko miting de avance top trending sa twitter
MARAMING napa-wow na netizens dahil sa top trending sa twitter ang isinagawang miting de avance ng team Leni-Kiko sa Makati.
#Makati is Pink #LeniKiko Miting de Avance #Kiko is my VP #Kay Leni tayo.
As in bumuhos ang mga KakamPink mga alas singko pa lang ng hapon ay nagkulay pink na ang nasabing lugar.
Malalaking bituin ang nagsidalo sa Miting De Avance ng team Leni-Kiko.
Sa huling salvo ng rally ay umapir na nga si Cardo Dalisay o si Coco Martin ng ‘Ang Probinsiyano.’
Naispatan din si Anne Curtis sa huling bira ng rally.
Ang estimated crowd ng Makati kaya nag-trending ito ay humigit sa780,000 or may nagsasabi na milyon mahigit ang dumalo sa pinakamalaking rally ever sa kasaysayan.
Sabi nga ni Piolo Pascual nung dumalo ito sa rally sa Naga ay ‘ibigay ang boto sa tamang Presidente at VP,’ siyempre Leni-Kiko si Papa P. Well, well, well…’Yun na!