Advertisers

Advertisers

“CPP-NPA-NDF AT MARCO VALBUENA AY MGA SINUNGALING” – NTF-ELCAC

0 358

Advertisers

ANG mga paratang ng iregularidad sa halalan ng mga komunistang-terorista na idinadaan pa sa hindi naman totoong taga-pagsalita na si Marco Valbuena ay pawang mga kasinungalingan.

Ito ang inihayag ni Prosecutor 2, Flosemer Chris Gonzales Acting Spokesperson ng Legal Affairs, ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Miyerkules.

Paliwanag ni Gonzales, ang iginigiit ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na dayaan at iregularidad sa halalan ay propaganda lamang upang udyukin ang taong bayan na sumama sa kanila.



“Ayaw nila ang nanalo sa May 9, 2022 presidential and vice-presidential elections,” ang sabi ni Gonzales, “sapagkat ang ibinoto at ipinanalo ng mga Filipino ay hindi kandidato ng CPP-NPA-NDF.”

Aniya, ang pahayag ng mga komunistang-terorista na idinadaan pa sa taga-pagsalita “kuno” nitong si Valbuena ay “pawang mga kasinungalingan.”



Gagawin at sasamantalahin daw ang sitwasyong ito ng CPP-NPA-NDF upang makapag-recruit pa ng mga kabataang nabubulagan sa kanilang mga kasinungalingan.

Ito, ayon kay Gonzales, ang hahadlangan ng NTF-ELCAC upang mailigtas ang mga kabataan lalo na ang mga estudyante sa mga unibersidad na malinlang ng mga komunistang-terorista.



“Ang nakakatawa sa inyo ay nakikisawsaw din kayo sa pulitika at eleksyon na para bagang may ambag kayo sa bansang ito maliban sa mahabang listahan ng mga inosenteng pinagpapatay ninyo at mga biktima ninyo ng pangingikil,” ang mga patama ni Gonzales sa CPP-NPA-NDF.

“Minsan, napapailing na lang kami kung saan kayo humuhugot ng kapal ng mukha at sangdangkal na kamanhiran habang nagpapanggap kayong mga human rights defenders kuno at ngayon naman, nagpapanggap na concerned kunyari sa resulta ng halalan..
Tama na ang pagbabalatkayo ninyo! Buking na buking na kayo!,” dagdag pa ni Gonzales.