Advertisers

Advertisers

DIGITAL AT PISIKAL NA KALIGTASAN NG MGA MAMAMAHAYAG HIGIT PANG PATATAGIN – PTFoMS USEC TORRES

0 4

Advertisers

HIGIT pang patatagin ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Undersecretary Jose “Joe” Torres Jr. ang digital at pisikal na kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa laban sa mga cyberattack, online na pagbabanta, at harassment.



Nilagdaan noong Lunes, Hulyo 20, 2026, ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang higit pang patatagin ang digital safety at seguridad ng mga mamamahayag sa bansa.

Ayon kay PTFOMS Executive Director Usec.Jose Torres Jr., sa pamamagitan ng ugnayang ito ay mas mabilis na matutugunan ang mga cyberattack, panggigipit, at iba pang banta sa online space laban sa media gamit ang pagpapasalin-salin ng teknolohiya at kaalaman sa pagitan ng dalawang ahensya.



Kaugnay nito, binigyang-diin ni CICC Executive Director Usec. Aboy Paraiso na ang kanilang tanggapan ang magsisilbing pangunahing sentro sa pagbabantay, pag-imbestiga, at pagbibigay ng technical support para sa kaligtasan ng mga media worker sa buong Pilipinas.

Samantala, pinuri at pinasalamatan naman ni National Press Club (NPC) President Mina Navarro ang naturang inisyatiba bilang isang malaking hakbang sa pagprotekta sa kalayaan sa pamamahayag at kaligtasan ng mga mamamahayag sa digital world. (RONALD BULA)