Advertisers

Advertisers

BAKUNA MAHALAGA — BONG GO

0 226

Advertisers

SA pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap na residente sa Taguig City nitong May 6 ay muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagpapabakuna at booster shot bilang proteksiyon ngayong unti-unting nakababawi na sa epekto ng pandemya ang ating bansa.

Ang pamamahagi ay isinagawa sa Holy Family Covered Court ng Barangay Bagumbayan, na ang koponan ni Go ay namahagi ng masks at meals sa 1,166 residents. Namigay rin ng mga sapatos, bicycles, cellphones at computer tablets sa mga piling individual.

Namahagi rin ng financial support sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development,



“Mga kababayan ko, sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Alam ko po na mahirap pa rin po ang panahon ngayon dulot ng COVID-19 pero nakikiusap po ako sa inyo na kaunting tiis na lamang po at malalagpasan din po natin ang krisis na ito bilang nagkakaisang Pilipino,” pahayag ni Go sa kaniyang video message.

Bilang Chair of the Senate Committee on Health and Demography ay binigyang-diin nito ang kahalagahan sa mga karapatdapat na mga residenteng magpabakuna at magpa-booster laban sa COVID-19 para maprotektahan ang kanilang mga sarili at komunidad.



Nanatiling boluntaryo pa rin ang pagpapabakuna ay muling hinimok ni Go na magpabakuna ang lahat ng mga kuwalipikado gaya ng national vaccination program ng gobyerno na nakatulong sa pagbaba ng COVID-19 cases sa ating bansa.

“Nakikita naman po natin na bumababa na ang mga kaso ng COVID-19 at patunay lamang ito na talagang ang bakuna ang tanging susi at solusyon sa ngayon upang malagpasan natin ang pandemyang ito. Kaya nakikiusap po ako sa inyo na magpabakuna na po kayo, libre lang naman ito mga kababayan ko,” saad ni Go.



“Kung mahal niyo po ang inyong pamilya, kung mahal niyo po ang inyong mga anak, isipin niyo po ang kaligtasan niyo at magpabakuna na po kayo. Kahit po bumababa na ang mga aktibong kaso, importante pa rin po na kayo ay protektado lalo na sa mga severe symptoms nitong COVID-19,” pagpupunto ni Go.

Inialok din ni Go ang karagdagang asiste sa mga nangangailangan ng medical care na aniya ay magtungo lamang sa alinmang 31 Malasakit Centers sa buong Metro Manila kabilang na ang nasa Taguig-Pateros District Hospital para makabahagi ang mga ito ng asiste mula sa gobyerno.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na konbinyenteng mapupuntahan ng mga pasyente para makatanggap ng
medical aid mula sa DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Sa ngayon ay mayroong 151 Malasakit Centers na tutulong sa mahigit three million Filipinos nationwide. Si Go ang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019.

Bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance, si Go ay nagkaloob din ng suporta sa ilang inisyatiba sa Metro Manila, gayundin ang pagbili ng ambulance units para sa Taguig City.

Panghuli ay pinapurihan ni Go ang dedikasyon sa pagkilos ng mga local official at ginarantiyahan din nito na patuloy ang walang kapagurang serbisyo publiko mula sa kaniya at kay President Rodrigo Duterte.

“Salamat po mga kababayan ko, ingat po kayo. At ako po ang inyong Kuya Bong Go, nandirito lang po na handang magserbisyo po sa inyo sa abot ng aking makakaya at kasama ang ating mahal na Pangulo. Salamat ha, ingat kayo,” saad ni Go.

Noong April 19, ang koponan ni Go ay namahagi ng asiste sa 53 families na apektado ng fire incidents sa Brgys. New Lower Bicutan at Calzada Tipas, Taguig City.