Pero ilang beses na nag-endorso ng kandidato…Sarah 1st time lang bumoto; Kim tama na ang kuda, tanggapin ang pagkatalo
Advertisers
Ni BETH GELENA
NAINTERBYU nina Doris Bigornia at Alvin Uichico sa Teleradyo bago mag-alas dose ng gabi ang aktor na si Robin Padilla.
Siya kasi ang nangunguna sa senatorial race sa unofficial tally ng Comelec.
Via Zoom ay natanong si Binoe kung ano ang masasabi niya dahil siya ang Number One sa senatorial race, though unofficial pa nga raw ito.
Pero kahit unofficial at every hour ay napapalitan ang score, hindi pa rin siya natitinag sa unang pwesto.
Pumapangalawa sa kanya ang dating senador na si Loren Legarda.
Ani Robin: “Nagulat nga po ako dahil hindi ko po akalaing ako ang magna-number one dahil unang una po wala naman po akong makinarya.
“Tanging sina President Rodrigo Roa Duterte at Senator Bong Go lang po ang tumutulong sa akin at ang pag-endorso po ng INC (Iglesia Ni Cristo.)”
Pinasalamatan din niya ang UniTeam dahil nasama siya sa grupo lalo na kay Inday Sara Duterte.
“Pinasasalamatan ko rin po ang mga kapatid kong Muslim.. yun lang po ang meron ako.”
Susog pa niya, hindi raw siya naniniwala na kaya nasa no. 1 siya, “dahil artista si Robin Padilla kundi dahil po siguro sa aking plataporma.”
Tanong pa nina Alvin at Doris, ano ang una niyang gagawin kapag isa na siyang senador?
“Kung sakali po na maupo tayo ang una ko pong isusulong ay ang charter change dahil naniniwala po ako na gusto na rin ng mga mamamayan ng pagbabago, ang Federalismo kung saan yan po ang nasa plataporma ko,” ani Binoe.
“Magtatrabaho po tayo nang husto dahil isa na po akong swelduhan ng taong bayan.
“Kailangan po na bilang public servant maibalik natin sa ating mga kababayan ang botong ipinagkatiwala nila sa akin,” dagdag pa ng nangungunang senador-aktor.
***
FIRST time palang pala na bumoto si Sarah Genorimo.
Sa video clip habang tinatanong silang mag-asawa (Matteo Guidicelli) ni Dyan Castillejo after nilang bumoto, pinakita ni Sarah ang isang daliri at sinabing first time niyang bumoto.
Aniya, ninerbyos daw siya.
Gulat ang mga netizen, “My gosh first time voter pala to think nag endorse sya before ng politico di naman pala botante”
May nagtanong naman kung wala na raw bang career si Dyan.
Sagot ng isang netizen, “personal reporter ni matteo lol”
Lagi kasing naiinterbyu ni Dyan si Matteo kapag may sports na sinasalihan ang aktor.
Host ng Sports Unlimited si Dyan.
“proud pa talaga i-announce na first time voter?! what?! for someone who advice her followers how to choose a leader but never exercised her power to vote as in ngayon palang na trenta na sya >&@&þ celebrites and their entitlement.”
“Wait teka, first time voter?? E diba cinampaign niya si villar at legarda nung 2010??”
“Bakit si Gary V nga din first time voter eh? Mas matanda pa kay Sarah!”
“Pinagkakitaan nya ang mga eleksyon at kampanya tapos di pala sya botante.”
***
CELEBRITIES NA PANALO SA KANDIDATURA
HALOS karamihan sa mga artistang nagsitakbo sa 2022 eleksyon ay mga nanalo.
Syempre, unang-una sa senatorial race ay si Robin Padila na aniya, ni sa panaginip di niya inisip na mangunguna ang kanyang pangalan.
Si Richard Gomez bilang nangungunang kongresista sa dati niyang pinamumunuang bayan bilang Ormoc City Mayor.
Nagpalit sila ng pwesto ng misis niyang si Lucy Torres na ngayon ay siyang Mayor ng Ormoc.
Ang first timer bilang politician, ang mahusay na aktor na si Arjo Atayde ay winner bilang kongresista.
Pumapangatlo sa senatorial race ay ang broadcaster na si Idol Raffy Tulfo.
Nag-aagawan naman sa panghuling puwesto ang dating aktor at senador na si Jinggoy Estrada, na kasalukuyang nasa 12th spot, at ang dating alkalde ng Kyusi at actor na si Herbert Bautista na nasa 13th spot.
Ang ibang celebrities na tumakbo at nanalo bilang kongresista ay ang dating PBA player na si Franz Pumaren sa third district ng Quezon City; ang mag-inang Lani Mercado sa second district ng Cavite at Jolo Revilla sa first district ng Cavite; Dan Fernandez sa lone district ng Sta. Rosa, Laguna; ang boyfriend ni Aiko Melendez na si Jay Khonghun sa first district ng Zambales; ang mister ni Vilma Santos na si Ralph Recto at ang dating swimmer na si Eric Buhain sa Batangas.
Lamang naman sina Daniel Fernando at Alex Castro bilang governor at vice governor ng Bulacan, respectively. Nangunguna rin bilang vice governor ng Oriental Mindoro si Ejay Falcon.
Sa mga tumakbong mayor, nahalal muli si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, bilang mayor ng Pasig City. Panalo rin sina Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental; Ina Alegre ng Pola, Oriental Mindoro; at ang dating PBA player na si Vergel Meneses sa Bulacan, Bulacan at si Lucy sa Ormoc.
Panalo namang vice mayor ang aktor na si Yul Servo sa Manila; ang dating PBA player na si Dodot Jaworski sa Pasig City; at ang pinsan ni Vico na si Gian Sotto sa Quezon City.
So far, sa hanay ng mga konsehal, sina Alfred Vargas at Aiko Melendez sa Quezon City; sina Angelu de Leon at Kiko Rustia sa Pasig City; ang basketball players na sina Paul Artadi, James Yap, Don Allado, Ervic Vijandre, at ang boyfriend ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay sa San Juan City; sina Vandolph Quizon, Jomari Yllana, at Ryan Yllana sa Parañaque City; Jhong Hilario sa Makati City; Lou Veloso sa Manila; at Nash Aguas sa Cavite City.
Si Jason Abalos na tumakbo rin bilang board member ng Nueva Ecija ay pasok na rin sa pulitika.
May mga hindi naman pinalad na manalong celebrities.
Tulad nina Isko Moreno at Manny Pacquiao; pati na sina Tito Sotto, for vice president at Monsour del Rosario, for senator.
Hindi rin pinalad ang dating ABS-CBN reporter at congresswoman na si Sol Aragones (governor, Laguna); ang Jukebox Queen na si Imelda Papin (governor, Camarines Sur); ang beauty queen na si Sharifa Akeel Mangudadatu (governor, Sultan Kudarat); at aktor na si Jerico Ejercito (vice governor, Laguna).
Maging ang mister ni Ara Mina na si Dave Almarinez ay ‘di rin pinalad (congressman, first district of Laguna); sexy comedienne na si Angelica Jones (congresswoman, third district of Laguna); aktor na si Richard Yap (congressman, Cebu City); dating sikat na PBA payer na si Alvin Patrimonio (mayor, Cainta, Rizal); aktor na si ER Ejercito (mayor, Calamba, Laguna); talent manager na si Arnold Vegafria (mayor, Olongapo City); at comedian na si Teri Onor (vice mayor ng Abucay, Bataan),
Nabigo naman bilang konsehal sina Bobby Andrews at Hero Bautista (Quezon City, fourth district); Roderick Paulate at Melissa Mendez (Quezon City, second district); Dennis Padila (Caloocan City); Arci Muñoz (Cainta, Rizal); Inday Garutay (San Juan); at Claudine Barretto (Olongapo City).
***
SANA ngayong tapos na ang botohan at nalaman na kung sino ang gusto ng mga.taong taong umupo sa bagong administrasyon ay tigilan na ng mga celebrities ang kakakuda ng mga negatibong reaksyon.
Maging sport na lang at tanggapin ang pagkatalo ng kanilang kandidato na sinuportahan.
Tama na ang pagsa-sour graping. Ganyan naman talaga may natatalo at may nananalo.
Sana hindi sila nag expect nang husto na magiging pulling away ang kanilang “manok” dahil halos lahat sila ay mga sikat na artista na sumusuporta.
Sa tingin ko nga sa akin lang po ito… hindi naman sila nakakasiguro na lahat ng sumasama sa mga rally nila ay dahil nakasuporta sa taong ipinaglalaban nila.
Hindi po ganun ang tingin ko… naroroon po sila dahil gusto nilang makakita ng mga sikat na artista lalo pa at karamihan sa mga ito ay mga kabataan na sabik makakita ng mga sikat na celebrities.
Kung tutuusin nga po parang hindi rin nakatulong ang pagsuporta ng mga artista, e.
Anyway, tulad ng komento ni Kim Chiu na nag-ingay na naman sa social media na umano’y may alleged vote buying sa Cebu.
Aba, e, ang post niya sa kanyang twtter na.@prinsesachinita ay hindi tagalog kundi Cebuano dialect ang ginamit.
Alam naman niyang hindi lahat ay nakakaintindi ng Cebuano.
Aniya: “Malooy ka Ginoo. Baga kaayo.ang kwarta. Unsaon nalang na? Kana imong madawat mu abot kaha na ug 6 years. Dili man intawon Oi! Ngano in ani man? Iisud atong kinabuhi pero didto ta sa sakto. Dili sa hugaw, sayun ug dali mahurot na pagkuha ug kwarta.”
Sabi tuloy ng mga commenter, “Ingay mo may Winner na!”
“hyaan mo na nag feeling matalino lagi nman sablay
“As if naman walang vote buying sa kabila ang dami kaya… never kaya nawawala yan sa Pinas ang vote buying…. jusko”
“meron din po screenshot ung kay leni, tig 100 nga lang bigayan”
“aysus Kim lahat ng kandidato namigay ng pera, ultimo municipal councilour nasa tao nlng talaga yan kng bumoto ng matino wag magmalinis.”