Marilou Binanitan nanumpa bilang pangulo ng Kiwanis International Club of Philippine Luzon 4A1, Mega Cavite Chapter
Advertisers
ITINALAGA at nanumpa si Marilou Binanitan bilang pangulo ng Kiwanis International Club of Philippine Luzon 4A1, Mega Cavite Chapter. Ginanap ang panunumpa ni Binanitan sa Max’s Restaurant sa Bacoor, Cavite noong Mayor 7, 2022.
Kaakibat ang temang “Serving the Children of the World”, nagkakoob ang Kiwanis ng iba’t ibang uri ng tulong sa mga Caviteño kabilang ang feeding programs, gift-giving, at mga gamit pang-eskwela para sa mga kabataan ng Mega Cavite.
Si Binanitan ay kasalukuyang Director III ng Legislative Records and Archives Service na nangangasiwa ng legislative records at historical records ng Senado.