Advertisers

Advertisers

Bea at Dominic, may bagong ‘pugad’ na sa Spain

0 343

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PINABILIB ang netizens ng bagong rebelasyon ni Bea Alonzo sa kanyang vlog na “Apartment Hunting in Madrid.”
May bago kasing achievement ang Kapuso actress dahil may nabili siyang magarang apartment sa Madrid sa Espanya.
Aniya, matagal daw niyang pinag-isipan ang bago niyang investment.
Katunayan, kinunsulta raw muna niya ang kanyang ina bago bilhin ang nasabing property.
Pero ang payo raw ng kanyang Mommy Maryann, sundin na lang daw niya ang kanyang ‘gut feel’ sa pagpili ng apartment na matitirhan nila abroad.
Challenge rin sa kanya ang maghanap ng property sa loob lamang ng apat na araw na inilagi niya sa nasabing European country.
Sa tulong ng isang real estate broker na si Paolo Piccio, sinuyod niya ang paghahanap ng apartment sa iba’t ibang parte ng Madrid.
Anim na property ang pinagpilian niya pero nag-settle siya sa upscale apartment sa Malasiqui na idinisenyo ng pamosong Spanish interior designer na si Tristan Domecq.
Naging criteria niya sa pagpili ang location, heating at cooling system ng apartment.
Naging kunsiderasyon din niya ang pagkakaroon ng elevator ng lugar para sa convenience ng kanyang ina na isang PWD.
Na-in love rin sa Carrera marbles ng kitchen at iba pang bahagi ng bahay na maraming windows at open spaces.
Sey naman ng ilang kibitzers, may bagong pugad na raw ng pagmamahalan si Bea at ang nobyo nitong si Dominic Roque lalo pa’t travel buddies sila pagdating sa trips nila abroad.