Advertisers

Advertisers

Integridad ng presidential at VP canvassing tiniyak ng Kamara

0 301

Advertisers

TINIYAK ng House contingent ng National Board of Canvassers o NBOC-Congress na pananatilihin ang integridad ng election process sa nalalapit na pagsisimula ng pagbibilang ng boto para sa pangulo at ikalawang pangulo.

Isang final briefing ang ikinasa ng Kamara kasama si House Speaker Lord Allan Velasco kung saan inilatag ang magiging proseso ng bilangan sa Joint Session ng Kongreso sa Mayo a-24.

Makakasama ni Velasco si Senate President Tito Sotto na magpe-preside sa NBOC.



Kasama naman sa bubuo ng House Contingent ng NBOC-Congress, sina House Majority Leader Martin Romualdez, Deputy Speaker Juan Pablo “Rimpy” Bondoc, Representatives Johnny Pimentel, Mannix Dalipe, Jesus Crispin Remulla, Juliet Ferrer, Stella Quimbo at Sharon Garin.

Salig sa isinasaad ng Saligang Batas ang Mababa at Mataas na kapulungan ng Kongreso ay magco-convene sa isang joint session upang maging NBOC na siyang magbibilang ng boto at magpo-proklama sa nanalong pangulo at pangalawang pangulo. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">