Advertisers

Advertisers

Swak na gumanap na tiboSanya at Glaiza type magsama sa GL series

0 352

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HABANG tumatagal ay lalong tumitibay ang pagmamahal ni Pauleen Luna sa mister na si Vic Sotto.
Sa IG post nito ay ibinahagi nito ang ‘nilalanggam’ niyang pagtingin kay Bossing.
Sa video na nai-share ni Poleng ay makikita si Bossing Vic habang nasa eroplano at nagpalipad ito ng halik or flying kiss.
Sa pangalawang video ay ang pagbibigay ni Poleng ng drinks kay Bossing.
At ang pangatlo ay ang halikan nila sa kanilang kasal.
May caption pa si Pauleen na ‘this is you, this is me, this is all i need.’ Maikli nguni’t meaty.
Maraming netizens ang nagbigay ng komento sa pagiging sweet nina Poleng at Bossing na ibinahagi niya sa kanyang socmed.
Mas naloka ang netizens nang sabihin ni Poleng na patay na patay pa rin siya kay Bossing Vic.
Kaya marami ang nag-wish na ‘sana all’ at pang forever na ang pagmamahalan nina Poleng at Bossing.
Marami ngang nagwi-wish na magkaroon na ng kapatid si Tali.
***
MASYADONG na-miss nina Sanya Lopez at Glaiza De Castro na magkita at matagal na rin kasi sila ‘di nagba-bonding.
Nagkasama ang dalawa sa pantaserye noon na Encantadia na ginampanan nila sina Danaya at Pirena.
Kung magsasama nga raw sila ulit sa isang project, ano bang type nila.
Ayon kay Sanya, for a change ay Girl Love para may bago naman daw panonoorin sa kanila.
Sabat naman ni Glaiza na kailangan na umaten or magkaroon sila ng matinding workshop para lumabas na makatotohanan ang kanilang gagampanan.
Pagbida pa ni Glaiza na minsan na siyang gumanap na tomboy sa serye with Rhian Ramos.
Di katulad lay Sanya na nagkasama na sila bilang Danaya at Melody sa First Lady na madali na nitong mai-apply or mabigyan ng justice ang t-bird role.
Okey din naman kay Glaiza ang GL with Sanya at kung matuloy ay tatawagin nga raw tambalang LoRo na kinuha sa kanilang apelyido.
Well, well, well…’Yun na!