Advertisers

Advertisers

Anne babalik, Kim bye na sa ‘Its Showtime’; Julia ‘yes’ agad ‘pag niyaya na pakasal ni Gerald

0 294

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MATUNOG na si Anne Curtis, ang nag-iisang Diyosa, sa napipintong pagbabalik sa It’s Showtime.
Halos 3 taon din siya nawala sa limelight mula nung ipagdalantao ang panganay nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia.
Taong 2019 nang magpasya si Anne na pansamantala munang mawala sa noontime show.
Pero nung 2020 ay umariba naman ang Covid-19, dahilan para mahadlangan ang pagbabalik nito sa programa.
Sa teaser na ipinalabas ng ABS-CBN ay tila si Anne ang magbabalik sa show.
Marami naman naka-miss na netizens kay Anne dahil sa kanyang kuwelang kudahan sa noontime show.
Ayon nga sa mga netizen ay miss na nila si Anne.
Pero kung may babalik ay may mawawala naman. Matunog kasi ang sitsit na tila sa pagbabalik ni Anne ay mawawala na si Kim Chiu sa programa.
Pero may nagsasabi naman na i-maintain na lang si Kim dahil may pagkakuwela rin naman ang gf ni Xian Lim.
***
Julia, yes ang isasagot kapag niyaya na ni Gerald pakasal
KAHIT naman noon ay bukas na sa lahat na gusto na makabuo ng sarili niyang pamilya si Julia Baretto.
As in sa edad niya ay gusto na nitong maging mommy.
Kapag nangyari nga raw ‘yun ay siguradong pahinga na ito sa showbiz.
Sa isang panayam kay Julia ng King of Talk na si Kuya Boy sa YTC nito ay tinanong ang aktres kung yayain na siya ng bf na si Gerald Andersom na pakasal.
Magtsu-choosy pa ba si Julia lalo na’t mahal niya ang magyayaya na pakasal na sila.
Hindi na nga raw magpapakiyeme pa si Julia if ever yayain na ito ni Gerald pakasal.
Ang kukyut for sure ng mga bunga nina Julia at Gerald kapag natuloy ang pagbuo nila ng pamilya.
Well, well, well…’Yun na!