Advertisers

Advertisers

Mikee nag-post ng sweet message para kay Paul

0 267

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SI John ‘Sweet’ Lapus ang direktor ng Jose and Maria’s Bonggang Villa.
Kilala rin bilang isang komedyante, tila nagko-concentrate na yata si Sweet sa pagiging direktor; mas nae-enjoy na ba niya ito kaysa pag-arte?
“Tinanggap ko naman na yung katotohanan na isa akong laos na artista. Hindi, and you know yung mga kaibigan ko sinasabi, ’Huwag mong sinasabi yun!’
“No, kailangan kong aminin yun, because dahil doon, dun ko na-embrace itong bagong career ko as a director.
“Ang tagal-tagal na, pangtatlong beses na yata akong nalaos.
“Unang laos ko from ABS kinuha ako ng GMA. Yung mga kaibigan ko, ‘Magdirek ka na! Ang baklang artista may time limit.’
“Aba, jackpot kinuha ako ng GMA! 2006. Tapos pangalawang laos ko, ‘Magdirek ka na’, ginaganun ako ng mga kaibigan ko.
“E ang mga kaibigan ko are people from the industry, kilala nyo naman yan, mga producers, mga directors, so they know what they’re talking about.
“At naniniwala ako sa sinasabi nila.
“Aba e bigla naman akong pinabalik ng ABS!
“So nauudlot nang nauudlot hanggang sa finally nung in-embrace ko na siya, okay na.
“Although for the record tumatanggap pa rin po ako ng project bilang artista, ha?
“Baka sabihin hindi na ako tumatanggap. Tumatanggap pa rin po ako, di-hamak na malaki po ang suweldo ko bilang artista kumpara bilang direktor,” pahayag ni Sweet.
Napapanood tuwing Sabado @ 7:15 pm sa GMA, bida sa Jose and Maria’s Bonggang Villa sina Dingdong Dantes bilang Jose Villa at Marian Rivera bilang Maria Villa.
Nasa cast din sina Johnny Revilla (bilang Lolo King); Shamaine Buencamino (bilang Mama Au); Pinky Amador (bilang Mommy Janice); Mike “Pekto” Nacua (bilang Sol Banayad); Benjie Paras (bilang Mr. Nero); Hershey Neri (bilang Marielou Cabangbang); Loujude Gonzalez (bilang Buboy); Jamir Zabarte (bilang Jae-Z) at Zonia Mejia (bilang Mae Cabangbang).
***
PINAKILIG ni Mikee Quintos ang kanyang followers sa Instagram dahil sa isang sweet na post.
Sa kanyang bagong Instagram post, nagsulat siya ng isang short but sweet message para kay Paul Salas.
Saad ng Apoy sa Langit actress, “Halika nga!!!! I luuuuh-miss you, @paulandre.salas”
Sagot naman ni Paul kay Mikee, “Hihihihihih iluhmisshu”
Nitong May ay inamin ni Paul sa Mars Pa More na dating na sila ni Mikee. Saad ni Paul, “hindi kami nagmamadali pero dating kami. Dating.”
Ilan sa mga kaibigan nina Mikee at Paul ang kinilig sa post ni Mikee. Isa sa mga ito ay ang malapit na kaibigan ni Mikee na si Ruru Madrid.
Nag-comment din ang ilan sa mga nakasama nina Mikee at Paul sa The Lost Recipe na sina Thea Tolentino, Crystal Paras, at Chef Anton Amoncio.
Nakita rin ang kilig comments ng Apoy sa Langit co-stars ni Mikee na sina Lianne Valentin, Coleen Paz, at Celine Fajardo.
Ayon sa post ni Mikee, nagkasama sila ni Paul sa isang resort sa Nueva Ecija bago siya sumabak sa second lock-in taping ng Apoy sa Langit.
***
ISA na namang fresh episode ng Magpakailanman ang mapapanood mamayang gabi sa GMA.
May pamagat na When My Daughter Falls In Love, pagbibidahan ito ni Thea Tolentino at leading man naman niya dito si Martin del Rosario.
Tampok Din sa naturang episode nina Mike Agassi, Maila Gumila, Anjay Anson, at Kim Perez.
Sa panulat ni Benson Logronio at sa pananaliksik ni Stanley Pabilona, ang naturang Magpakailanman episode ay sa direksyon ni Rechie del Carmen.
Speaking of Mike Agassi, taong 2019 noong maging manager ni Mike si Rams David ng Artists Circle Talent Management Services.
Ang singer-actor na si Bradley Holmes (na talent Din ni Rams) ang nag-refer kay Michael kay Rams; nagkasama (at naging magkaibigan) sina Michael at Bradley sa La Luna Sangre at Ang Probinsiyano.
Nakababatang kapatid ng aktor ding si Carlos Agassi, naging parte ng Star Circle Batch 9 si Michael o Mike. Ngayon, bilang isang Kapuso, napasama si Mike sa Pepito Manaloto at Bihag noong 2019, Bilangin Ang Bituin Sa Langit noong 2020 at ngayong 2022 sa Widows’ Web na nakaranas si Mike ng una niyang lock in taping.
Tinanong namin si Mike kung pabor siya na ituloy ang lock in or “bubble taping” na set-up kahit medyo lumuluwag na ang COVID-19 quarantine restrictions.
“Actually safety muna, ‘no. Pero siguro pag lock in taping ewan ko, ngayon ko na-feel yung may rest yung mga crew and yung mga bosses namin, so I think it’s good for them, kasi sa kanila ako naawa e, sila yung first in, last out, e.
“Ako, hindi talaga ako makakapag-complain, pero pag katulad nung role ko sa Widows’ Web, when I accepted the role, sobrang taba ko pa. Tapos with one day- two days notice, sinabihan nila ako ang role ko basically, magpapakita ng abs.
“So during those lock in taping, quarantine, napakundisyon ko ang sarili ko, I lost thirty six pounds. So napalabas ko lahat ng muscle ko and everything for the show.”
Maraming eksena nga si Mike sa Widows’ Web na kundi nakahubad ng pang-itaas ay naka-briefs lamang siya.
“So for me nag-benefit ako dun sa lock in taping kasi mas napo-focus ko yung work.”
Apatnapung araw raw ang huli niyang lock in taping.