Advertisers
Ni BETH GELENA
MAY bago na namang posted photo/video si Barbie Imperial na kumakalat.
Kasama umano ng aktres ang rumored boyfriend.
Ang nagpadala ng clip video ay courtesy ng @manillebeachbar nà nasa El Nido.
Sa nasabing video clip ay may mga guys na kasama ang aktres.
Pakiwari pa nga namin mukhang nag-iisang babae lang si Barbie sa grupo.
Komento tuloy ng mga nakapanood, “Hindi naman sa judgmental pero….bat puro mama kasama nya?”
“Nagtataka ka pa.
“uy one of the boyz”
May nagtatanong naman. Eh tumatanggap nga ng shot sa di kilala. Hay naku gurl sayang ganda mo. Sana naman medyo tumalas talas ka din. Puro lalake yan.”
“Nakakailan na ba ito?”
“Di nababakante?:
“Mukhang manginginom nga talaga si koya ah. Laki tiyan.”
“Di yan sis. Kapatid yan. Yung naka white long sleeve. Attorney yan hahaha.”
“Konti preno. There are many fish in the ocean. Babae ka.”
Sinasang-ayunan naman ng isang netizen ang trip ni Barbie.
“She’s single, beautiful, and most importantly young. Let her explore while bata pa xa”
Anyway, hopefully matagpuan na ng aktres ang lalaking totoong magmamahal sa kanya.
***
MARYA MAY RESIBO NA SA HINDI PAG-ENDORSO KAY SEN. KIKO
HAYAN may resibo na kung bakit hindi binabanggit ni Maricel Soriano si Senator Kiko Pangilinan nu’ng nasa campaign sortie siya ng Kakampinks.
Kahit marami ang bumatikos sa aktres sa isyung iyon never na nagsalita si Marya sa maraming BAKIT na katanungan.
Maganda pa nga raw ang introduction ng Megastar, ang misis ni Sen. Kiko, sa Diamond Star, pero never pa rin binanggit ni Marya ang pangalan ng runningmate ni Bise Presidente Leni Robredo.
Ngayong tapos na ang eleksyon, may sagot na ang mahusay na aktres kung BAKIT di niya minention ang name ng mister ni Megastar.
Sa Instagram account ng anak ng Senate President Tito Sotto na si Ciara ay may post siya ng pasasalamat para sa Diamond Star nang bumisita ito sa kanila kamakailan.
Pruweba ang kuhang larawan ni Marya kasama si Tito Sen at ang misis niyang si Helen Gamboa.
Sa isa namang posted photo ay si Ciara ang kasama ng aktres.
Sinulatan ito ni Ciara ng caption, “This beautiful soul visited us last night. Our dear Ate Marya @officialmaricelsoriano, we missed you so much! Always remember that we love you and you’ll always be part of our family. Thank you for always making us feel lives.”
“Ay kaya pala di binanggit name ni sen kiko noon. Alam na,” komento ng netizen.
Kanya-kanyang kuru-kuro na naman ang naglabasan dahil sa post ni Ciara.
“Diyos ko kahit binanggit pa niya eh alam na before pa kung sino ang mananalo. Kahit sumama pa Si Sharon sa Tito niya, talo pa rin sila. Masisira lang ang marriage ni Sharon kung ginawa niya yun. Napaka-unreasonable din naman ng mga Sotto kung sasama ang loob nila kay Sharon. Asawa niya yun eh, alangan namang sa iba siya susuporta!”
***
HINDI pa naipalalabas na ganap ang Darna: The TV Series, pawang bad comments na ang mababasa mula sa mga netizen.
Unang-una ay ang akting ng bidang aktres na si Jane de Leon.
Bakit daw siya ang kinuhang Darna gayung marami raw namang young stars na mapagpipilian ang ABS-CBN.
Kulang na kulang daw ang emosyon at facial expression ni Jane na napanood nila sa trailer.
Mabuti na lang daw at si Iza Calzado ang ginawang kaeksena kaya nasasalo siya ng magandang aktres.
“All out na acting ni Iza but si Jane, dead eyes lang. Walang napigang emotion.”
“Bakit parang ayaw nyang ibuka ang bibig nya parang naco-conscious na pumanget?”
Isa rin daw sa nakatulong sa Darna ay si Joshua Garcia.
“Dilat mata acting din pala to si Jane. Pero dead ang facial expressions.”
May paliwanag naman ang nakakaintindi sa tinatakbo ng mga soap operas.
“Girl ang mga soaps talaga ngayon puro short-lived na kasi puro canned episodes na sila. Meaning bago pa man i-ere, tapos na o patapos na ang finale. Lock-in taping kasi sila.”
Pag tumatagal daw kasi ang isang teleserye pagdating sa dulo ay lumalaylay na ito.
“True! Puro sya dilat mata haha parang jessy mendiola levels yung actingan”
May nagsasabi pang hindi raw pang-Darna ang ganda ni Jane dahil pangkaraniwan lang daw ang beauty niya kaya “sayang sa budget.”
May nagtanong naman, Sino sumigaw ng Darna? Si Ate Reg pa rin ba?”
“Nope, another Chona, Chonalyn Viray ung nag pa RP”
May nagsasabi namang hindi nabigyan ng justice ang pagsigaw ng DARNA ang lamya raw ng dating.
Hopefully, hindi siya lamunin nang buo ni Janella Salvador sa aktingan.
Knowing Janella na kahit baguhan pa lang noon ay nabigyan agad ng mga bidang role sa teleserye.
Proven dito ang pinagsamahan nila ni Julia Barretto.
Si Julia ang bida, pero mas napansin ang akting ni Janella.
Si Janella ang gumaganap na mortal enemy ni Darna, si Valentina.