Advertisers
SINABI ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na nasa 30 na ang electoral protests na kanilang natatanggap kaugnay ng national and local elections na idinaos sa bansa noong Mayo 9.
Ayon kay Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco, ang naturang mga protesta ay natanggap ng Electoral Contests Adjudication Department (ECAD) hanggang noong Lunes, Mayo 23, lamang.
Nabatid na ang ECAD ang siyang nagda-docket at nagrerebyu ng mga naturang protesta.
“The Electoral Contests Adjudication Department had informed that they had already received 30 as of May 23, they have received 30 election protest cases,” ani Laudiangco, sa isang pulong balitaan.
Tiniyak naman ni Laudiangco na ang mga protesta ay ipagpapatuloy alinsunod sa umiiral na rules of procedure.
Ayon pa dito, ang Comelec lamang ang may hurisdiksiyon sa mga electoral protests na may kinalaman sa city, provincial, at regional positions. (Andi Garcia)