Advertisers

Advertisers

Nanalong party-list groups na may DQ cases sa Comelec hindi ipoproklama

0 346

Advertisers

HINDI ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang mga party-list groups na nanalo sa May 9 national and local elections ngunit may nakabinbin pang disqualification cases sa kanilang tanggapan.

Sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules, sinabi ni Poll Commissioner George Garcia na hindi maaaring magproklama ang Comelec, na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) para sa senatorial at party-list race, ng mga grupong nahaharap pa sa kanselasyon ng registration.

Aniya, kailangan munang maresolba ng poll body ang mga isyung kinakaharap ng mga naturang party-list groups bago sila isyuhan ng certificate of proclamation.



Paglilinaw naman ni Garcia, kung ang kaso ay patungkol lamang sa nominees ay maaari pa ring maiproklama ang party-list group.

“Alam naman natin na noong nakaraan, basta ang disqualification petition ay against sa mismong party-list, hindi tayo nag-i-issue ng certificate of proclamation. Pero kung ang disqualification ay patungkol lang sa nominees, ay nag-i-isue tayo pabor sa party pero hindi sa nominee,” paliwanag ni Garcia.



Matatandaang itinakda na ng Comelec ang proklamasyon sa winning party-list groups ngayong Huwebes, Mayo 26, dakong 4:00 ng hapon sa Philippine International Convention Center (PICC) matapos ang konklusyon ng isinagawang canvassing sa katatapos na halalan.

Nabatid na kabilang sa mga party-list groups na may tiyak nang puwesto sa Kongreso ngunit nahaharap sa cancellation cases ay ang Kabataan at Gabriela. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">