Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA ulat ng GMA News noong Lunes, sa podcast ni Pia Arcangel na Suprise Guest With Pia Arcangel, inamin ni Paul Salas na nagsimula na siyang manligaw kay Mikee Quintos nang natapos ang programang pinagsamahan nila, ang The Lost Recipe, noong 2021.
Sabi ni Paul,”After lang, doon kami nagkaligawan, doon lang kami sa papunta ng dating side na.
“Nakita lang din namin ang connection namin na minsan, pag sa taping nag-uusap kami ang tagal na pala, hindi na namin alam, ganun.”
Dagdag pa ni Paul, dahan-dahan lang ang kanilang ligawan dahil long-term aniya ang kanyang iniisp.
“Hindi kami nagmamadali, kumbaga gusto namin sure na. Kumbaga, pa-25 na po ako, so gusto ko, parang kung ito naman, gusto ko ito na yung last.”
Kung yung ibang lalaki ay thru chat o text kung manligaw, si Paul, ang gusto niya ay sundin ang lumang tradisyon ng ligawan.
“Gusto ko kung liligawan ko siya, gusto ko makilala agad ang parents niya, ipaalam na manliligaw ako, ipaalam na gusto ko yung anak nila, ganun.
“Nasa ganung side pa rin po ako, nasa may old-school type na parang kung puwede nga lang haharanahin ko siya,” aniya pa.
***
SABI ni Lolit Solis, noong nakaraang kaarawan niya, May 20, ay nagpadala sa kanya ng sulat si Kris Aquino. Napaiyak siya habang binabasa niya ito.
“Umiyak ako sa letter ni Kris Aquino. Umiyak ako sa parte ng hinihiling lang niya na sana mabuhay siya hanggang marating ni Bimby ang edad na puwede na niyang alagaan si Joshua.
“Iyon mabuhay siya para na lang sa dalawang anak niya. Tanggap niya na nahihirapan siya sa kanyang sakit, at talagang napi-feel niya kung minsan iyon hirap na hindi na niya makaya at hirap na siya kahit sa pagsusulat.
“I was so sad reading her letter dahil talagang ipinagtapat niya iyong pain na nadarama niya. Nakakalungkot na negative pa iyong iba sa reaction nila kay Kris at hindi alam kung ano ang pinagdadaanan nito sa health niya.
“Kitang-kita mo ang pagpayat ni Kris, sign na talagang may nadaramang sakit. Hanga ka nga sa kanya dahil kinakaya niya ang pain at pinipilit ang katawan para hindi masyado mag alala ang mga tao sa paligid niya,” pagbahahagi ni Manay Lolit ng nilalaman ng sulat na ipinadala sa kanya ng TV host-actress.