Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HULING na karelasyon ng Kapuso actor na si Paul Salas si Barbie Imperial pero nauwi sa hiwalayan ang kanilang short-lived relationship.
Pagkatapos noon ay wala na siyang naging seryosong karelasyon although na-link ang kanyang pangalan kina Myrtle Sarrosa, Ella Cruz at Mika dela Cruz.
Sa isang panayam sa isang GMA-7 talk show, finally ay inamin niya na officially dating na sila ng Kapuso actress na si Mikee Quintos.
Sa episode naman ng “Surprise Guest with Pia Archangel” ay naging vocal din siya hinggil sa nararamdaman niya sa bago niyang inspirasyon.
Katunayan, hopia raw siya na sana ay ito na ang last relationship niya.
“Hindi kami nagmamadali, kumbaga gusto namin sure na. Kumbaga pa-25 na po ako, so gusto ko parang kung ito naman, gusto ko ito na ‘yung last,” pahayag niya.
Ikinuwento rin ng aktor kung paano nagsimula ang magandang pagtitinginan nila ni Mikee na nakasama niya sa seryeng ‘The Lost Recipe.’
Gayunpaman, nilinaw niya na nag-start lang silang mag-date after ng serye.
“After lang doon kami nagkaligawan, doon lang kami sa papunta ng ‘dating’ side na,” sey ni Paul.”Nakita lang din namin ang connection namin na minsan ‘pag sa taping nag-uusap kami ang tagal na pala, hindi na namin alam, ganun,” dagdag niya.
Aminado rin si Paul na nasa dating stage pa lang sila ni Mikee at nananatiling prayoridad nila ang kanilang mga karera.
Hirit niya, naniniwala raw naman siyang darating din ang beautiful ending sa kanilang relasyon kung talagang itinadhana sila sa isa’t isa na hindi kailangang magmadali.