Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MISMONG ang Kapamilya actress na si Lovi Poe ay inamin sa kanyang socmed na na ‘concious’ siya sa isa nilang video na magkasama ni Papa Piolo.
Magkadikit sina Lovi at Piolo Pascual sa isang video para sa promotion ng Flower of Evil.
Napansin naman ng mga kasamahan sa industriya ang pagka-concious ni Lovi nang makasama si Piolo.
Nakita rin ng netizens ang gigil factor ni Lovi kay Papa P.
May nag-wish pa na sana nga raw ay sila na lang daw sabay tawa ng netizens na tila nagbibiro lang sa kanyang komento.
Ang Flower of Evil ay Filipino adaptation mula sa Korea.
Napansin din ang pagkakaroon ng chemistry nina Lovi at Piolo.
Ito ang kauna-unahang project ni Lovi sa Kapamilya matapos nitong magpasya na ‘di na pumirma ng panibagong kontrata sa GMA-7.
Sabi nga ng netizens, at least Piolo agad ang kanyang pambungad na leading man sa Flower of Evil.
***
Franki Russel ipinalit ni Diego kay Barbie
NAPAKA-imposible na nga ng balikan blues ng mag-ex na Barbie Imperial at Diego Loyzaga.
Matapos kumalat ang larawan nina Diego at hinihinalang ipinalit at bago ng gf ng anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.
Ang former Otso housemate ng PBB at Ang Probinsiyano actress na si Franki Russel.
Si Franki ay ipinanganak sa New Zealand at lumaki sa Sydney, isang New Zealander ang tatay ni Franki at Filipina ang kanyang mudra.
Naghinala sila na matapos makita sa isang tattoo shop.
Dagdag pa na lumakas ang hinala na sila nang kumalat ang larawan nina Diego at Franki sa isang elevator habang magkayakap.
Ito na nga raw si Franki ang bagong nagpapatibok sa puso ni Diego.
Wala pa naman pag-amin pero ang mga nagkalat sa socmed ay ‘di nagsisinungaling na may namamagitan na kina Franki at Diego.
Well, well, well…’Yun na!