Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
INILAHAD ni Sanya Lopez na isa sa mga dahilan kung bakit “no boyfriend since birth” pa rin siya hanggang ngayon ay dahil hindi niya mapigilang isipin kung ano ang magandang maidudulot sa kinabukasan ng papasukin niyang relasyon.
“Totoo po na wala akong naging boyfriend. But nandoon po ‘yung mga taong, siyempre dumating din naman tayo na may nanliligaw talaga,” pag-amin ni Sanya sa panayam sa kanya.
Ayon kay Sanya, “by choice” ang kanyang estado na hindi muna mag-nobyo, dahil ayaw na niyang balikan ang karanasan noon ng kanilang pamilya na dumanas sila ng hirap.
“Yes. I think by choice talaga kasi nu’ng umpisa. So baka kapag nag-focus ako sa kanya ‘yung career ko mapabayaan ko. Ayokong bumalik sa life namin dati. So ang dami kong iniisip. Sabi nga ng mga nanliligaw sa akin, overthinker daw ako,” anang Kapuso actress.
“Kumbaga parang iniisip ko na ‘yung for the future. Kahit medyo nahihirapan ‘yung mga tao, chill lang, eh hindi ako ‘yung tipo ng tao na relax lang, na ‘Chill lang tayo ngayon.’ Gusto ko, ano ‘yung future natin?’” dagdag ni Sanya.
Ngunit kung magkarelasyon man, sinabi ni Sanya na isa sa kanyang mga katangian ang pagiging loyal.
“Kapag na-inlove ako, totoo ‘yon, loyal po kasi ako eh. So ang hirap din. Hindi ako sanay na magloko. Unless magloko siya. Wow!” biro ni Sanya, na gumaganap bilang si Melody sa “First Yaya.”
Inilahad ni Sanya ang mga katangian na hinahanap niya sa gusto niyang maging partner.
“‘Yung respeto niya sa babae, number one, respeto sa pamilya. Tsaka ‘yung mahal na mahal ako. Bonus na lang talaga kung gwapo, may abs. Wow!” biro ng aktres.
Bukod dito, dapat ding may pangarap ang lalaki na manliligaw kay Sanya.
“Tsaka ‘yung may pangarap sa buhay. Ayoko na ako lang ang nagtatrabaho. Gusto ko sabay tayo nangangarap. Kapag nag-boyfriend ako, hindi lang siya sasabihin ko na ‘Hanggang boyfriend lang kita ha, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa ating dalawa.’ Nandoon ako sa moment na kapag naging boyfriend kita, parang posible na ikaw na rin ‘yung sa future ko.’”
Pag-amin ni Sanya, na-inlove na rin siya noon, pero puppy love lamang.
“Na-inlove po ako, pero ‘yung iyak ko siguro, hindi ko alam kung love ba talaga ‘yung tao. Iniisip ko na, karapat-dapat ba ako para sa kanya? Hindi ko alam kung mali ‘yun at deserve ko ba ‘yon? ‘Yung first love ko, doon talaga ako umiyak. Hindi ko siya naging boyfriend because bawal, bata pa. So sabi ko, ‘Kung tayo, tayo talaga. Eh talagang tayo.’”
Kuwento niya, ang kuya niyang si Jak ang nagsasabi sa kanya noon na huwag munang mag-boyfriend.
Pero ngayong dalaga na siya, payag na ang kanyang kuya na magnobyo siya.
“Tapos ngayon medyo feeling niya nasa tamang edad na ako, sinasabi niya sa akin na ‘Alam mo na ‘yan. Malaki ka na.’ May tiwala na siya sa akin. Kasi siguro nangangamba na rin siya, ilang taon na ako wala pa akong boyfriend,” ani Sanya.
Gayunman, nakatulong daw kay Sanya ang kanyang co-stars sa “First Lady” na i-enjoy muna ang pagiging single.
“Ako naman. Ako ‘yung tipo na relaxed lang, nag-e-enjoy pa ako. Sabi ko nga last time hindi ko alam kung nakatulong ‘yung mga naging kaibigan ko ngayon sa First Yaya. Nakatulong ba kayo? Mas nag-enjoy ako sa inyo eh, parang hindi ko lalong hinanap ‘yung boyfriend eh.”
***
UMABOT na sa one million views ang video ni Stella (Lianne Valentin) sa ‘Apoy sa Langit.’
Lagpas one million views na ang video ng Apoy sa Langit na inggit na inggit si Stella (Lianne Valentin) sa sweet na moment nina Gemma (Maricel Laxa) at Cesar (Zoren Legaspi).
Sa video na ito ay ipinakita ang pagpapanggap ni Stella na maysakit para hindi matuloy ang date nina Gemma at Cesar.
Ilang netizens naman ang nanggigil sa bagong ginawa ni Stella sa episode na ito para lamang makuha si Cesar.
Ayon sa netizens, nakakagigil na si Stella dahil sa mga ginagawa niya. Isang netizen naman ay nagsabing dapat sinundan ni Gemma sina Cesar at Stella.
Ayon sa comments, effective na kontrabida si Lianne kaya marami ang gigil sa character niyang Stella.
Bukod sa mga nakakagigil na mga eksena ni Stella, tinututukan din ng mga manonood ang mga maiinit na eksena sa Apoy sa Langit.
Abangan sina Maricel, Zoren, Mikee, at Lianne at ang mga maiinit na eksena ng Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.