Advertisers

Advertisers

HUWAG MAGPABAYA, MAGING MAPAGMATYAG

0 397

Advertisers

ITO ay paalala lamangsa mga kapwa ko magulang na ang mga anak ay kasamang nakilahok sa nagdaang eleksiyon.

Marami kasi sa ating kabataan, lalo na yaong tinatawag na mga “millenials” ay bumoto, namili ng kanilang kandidato at ngayon ay hinihikayat na sumali at dumalo sa mga rally na tila baga prinuprotesta ang resulta ng nagdaang halalan.

Di masamang maghayag ng saloobin dahil di naman ito pinagbabawal ng ating Saligang Batas. Ang masama ay sino ang makakasama ng ating mga anak sa mga rally na ito.



May mga ‘intel reports’ kasi na inihayag ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na ang mga rally na ito ay hindi na para sa kandidatong natalo kung di para magsimula ng krisis o kaguluhan sa bansa.

Alam naman na ninyo siguro, kung sino ang pasimuno ng mga ganitong senaryo. Opo, wala ng iba kung di ang mga komunistang-teroristang Communists Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).



Hindi lamang para makapagsimula ng kaguluhan ang pakay ng mga hinayupak na ito. Pangalawa sa kanilang agenda ay makapag-recruit pa ng mga kabataan o mga millenials na kalaunan ay gagawin nilang mga NPA fighters.

Siguro naman, ay nabalitaan niyo na ang ibang napatay na kabataan sa kanilang pagsali sa kilusan ng mga komunistang-terorista. May mga masuwerteng namumuhay na ng matiwasay sa ngayon dahil sa kanilang pagtakas sa kilusan at sumuko na lamang sa pamahalaan.



Kung tayo ay palamiya-lamiya lamang at di nababantayan ang mga pagkilos ng ating mga anak sa mga sinasalihan nitong mga pagkilos o protest rally, di malayong mawalay sila sa ating piling dahil naloko na ng mga CPP-NPA-NDF.

Sa report nga ng NICA, ang pinaka-delikado raw sa agendang ito ng CPP-NPA-NDF ay ang isakripisyo ang mga buhay ng mga kabataang Filipino na malilinlang nilang sumanib sa kanilang maliit na lamang na pwersa.

Kung magka-ganyan at madagit ang inyong mga anak sa balak na ito ng mga hunghang na komunistang-terorista, pihadong hindi ninyo mapapatawad ang inyong mga sarili.

****
SINUNGALING NA CPP-NPA-NDF at Marco Valbuena

NITONG nagdaang linggo pagka-tapos na pagkatapos ng eleksiyon nagparatang na agad ang CPP-NPA-NDF sa pangunguna ng Hindi natin alam kung totoong tao at taga-pagsalita nito na nagngangalang Marco Valbuena, na may iregularidad at dayadaan daw ginawa ang COMELEC.

Halata namang propaganda lang nila ito. Ang nakababahala ay udyukan pa ang marami na lumabas at sumama sa kanilang mga rally dahil hindi nanalo ang kanilang gustong maging Pangulo ng bansa.

Ibig sabihin, ang binoto ng 31 milyong Filipino ay hindi kandidato ng CPP-NPA-NDF.

Samakatuwid, sino man itong Marco Valbuena, ay nais lang makapanggulo muli para hindi matuloy ang pag-upo nila President-elect Bong Bong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte.

Nagpalaganap ng mga kasinungalingan at mga dis- impormasyon para makakuha ng simpatya sa mga talunang kandidato at mga botante ang mga lokong ito.

Ang sabi nga ng aking kaibigan sa NTF-ELCAC na si piskal Flosemer Chris Gonzales, tila nananaginip na naman ang CPP-NPA-NDF at pinangangalandakan ang kanilang “ampaw” na lakas. Dahil karamihan sa kanila ay nagsisuko na sa pamahalaan dahil sa kahirapan sa pakikipaglaban ng maling paniniwala.

“Ang nakakatawa sa inyo ay nakikisawsaw din kayo sa pulitika at eleksyon na para bagang may ambag kayo sa bansang ito maliban sa mahabang listahan ng mga inosenteng pinagpapatay ninyo at mga biktima ninyo ng pangingikil.” Yan ang tinuran ni piskal Gonzales sa kanila.

“Minsan, napapailing na lang kami kung saan kayo humuhugot ng kapal ng mukha at sangdangkal na kamanhiran habang nagpapanggap kayong mga human rights defenders kuno at ngayon naman, nagpapanggap na concerned kunyari sa resulta ng halalan,” dagdag pa niya.

Tulad niya, ako ay nakikiisa sa pangungutya sa ma kakaunti pang natitirang mga CPP-NPA-NDF dahil nagiilusyon na lamang ang mga ito na mayroon pa silang lakas para labanan ang pamahalaan.

Mga utot niyo! Nalalapit na ang inyong katapusan.