Advertisers

Advertisers

Di lang daw ang gf na si Liza…Enrique magpapa-manage na rin kay James

0 382

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PAGKATAPOS ibunyag ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz na hindi na ini-renew ni Liza Soberano ang kontrata para magpa-manage rito dahil lilipat na ang aktres sa kampo ni James Reid, maraming espekulasyon ang nagsulputan.Nadagdagan pa ang mga nag-oopinyon na baka raw pati ang ka-love team at business partner ni Liza na si Enrique Gil ay lumipat na rin sa management company ng Fil-Aussie actor.
Ayon kay Mama Oggs, sa pagkakaalam niya, may kontrata pa si Quen sa Star Magic.Nilinaw din niya na hindi niya co-managd si Quen bagkus ay tinutulungan lang niya ito kapag may mga proyektong inilalapit dito.Pero kung magre-renew ito or hindi na, once na nag-expire ang contract, ‘yun daw ang hindi niya alam.“’Yun ang hindi pa natin alam.
Kung magre-renew sa Star Magic or mag-iiba ng management outside ABS-CBN,” ani Ogie sa latest entry sa kanyang vlog.Sa mga kumukuwestiyon naman kay James ukol sa karapatan nitong mag-manage gayong hindi raw ito maka-penetrate sa Hollywood, ito naman ang naging paliwanag ni Mama Oggs.“Hindi natin dapat kinukuwestiyon si James Reid kung gaano siya kahusay mag-manage. Unang-una, grupo sila na magma-manage kay Liza. Hindi lang si James Reid.
Signatory lang si James Reid sa bawat kontratang papasukan ni Liza,” paglilinaw ni Ogie.Sa mga nang-uurot pa kung bakit kay James napiling magpa-manage ni Liza, ang aktres lang daw ang makasasagot ng million dollar question.
“Si Liza ang higit na nakakaalam. At ang alam ko, malalim ang kanilang friendship. ‘Yung JaDine, friends talaga sila ni Liza,” pagtatapos niya.