Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
IPINAHAYAG ng hunk actor na si Benz Sangalang na kabilang sa puhunan niya sa showbiz ang pagkakaroon ng sexy body. Kaya naman proud siyang ipinasilip ito sa pelikulang Secrets.
Makikita sa pelikula ang madilim na kuwento hinggil sa sexual experimentation at pagnanasa at para sa sexy movie na ito, kinuha ang mga young at daring actors na sina Benz, Janelle Tee, at Denise Esteban, na hindi takot ipakita ang lahat para sa kanilang mga role.
At ang seasoned actor na si Felix Roco ang kumumpleto sa all-out, no holds barred cast ng pelikula.
Aminado si Benz na pinaghandaan ang kanilang pelikulang ito, kaya naman proud siyang ipasilip ang kanyang kahubaran dito na pinamahalaan ng premyadong director na si Direk Jose Javier Reyes.
Wika ni Benz, “Naniniwala po ako kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng magandang katawan sa tulad kong actor, lalo na at sumasabak tayo sa sexy movies.
“Actually, pinaghandaan ko po talaga iyong movie, may dala akong kamote sa shooting namin para talagang putok ang abs ko. Kaya masasabi kong kondisyon talaga ang katawan ko roon sa pelikula at sexy talaga.”
Ayon pa sa guwapitong talent ni Jojo Veloso, “Palaban ako sa love scenes dito, kumbaga, kung palaban si Janelle sa daring scenes, ako rin nagpasilip sa movie.”
Nasabi rin ni Benz na nailang siya sa maselang eksena nila ni Felix.
Aniya, “Medyo nailang po ako siyempre… isa po ‘yun sa aabangan nila sa movie, hahaha! Ipinakita ko po rito iyong mga never ko pa ipinakita sa mga past projects ko, kaya abangan sana po nila. Marami po akong butt exposures dito.”
Pero lumakas daw ang loob niya sa nude scene nila ni Felix, dahil sa aktor. “Yes po, may hubo’t hubad kaming eksena rito sa dagat. Isa yun sa kaabang-abang po sa movie namin, medyo babad po kasi ‘yung scene na yun na talagang nude kami.
“Para sa akin po, ang naitulong sa akin ni Felix, mas naging komportable akong maghubad. Kasi ay may scene kami na tumatakbong hubad sa dagat, eh. Ano kasi eh, maliwanag iyon, kumbaga nakakahiya talaga. So, nakita ko siya (Felix), parang wala lang (nang naghubad) siya, tapos ay tumakbo na siya sa dagat.
“So iyon, kung hindi niya iyon ginawa, parang problema rin siguro sa akin dahil nahihiya talaga akong maghubad. So, dahil doon ay na-encouraged ako na gawin din iyon, malaking bagay po,” nakangiting sambit pa ni Benz.
Ang pelikula ay ukol sa magkasintahan na nag-aakalang kilala na nila ang isa’t isa. Sa Secrets, na streaming sa Vivamax simula June 10, exciting makita kung ano ang magiging resulta ng chemistry ng cast on screen. Kaya humanda na sa deepest at darkest discoveries sa Secrets sa Vivamax na best viewing quality na ang panonood dahil ito ay compatible na with TV casting.
Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa Vivamax app at puwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.