Advertisers
NILINAW ng kampo ni Vice President Leni Robredo na hindi muna ito magtatrabaho sa anumang ahensya ng gobyerno.
Sagot ito ni Atty. Barry Gutierrez, Spokesperson ni Robredo sa posibilidad na pagsisilbi muli ng vice president sa gobyerno sa ilalim ng Marcos administration.
Sinabi ni Gutierrez na naka-focus lamang ang atensyon ni Robredo sa pagtatapos ng kanyang termino at magkaroon ng maayos na transition at pagsasara ng lahat ng programa ng Office of the Vice President.
Posible aniyang makikiisa si Robredo sa isang civil society non-government organization para maipagpatuloy ang serbisyo sa mga Pilipino.
Ipinaalam ni Gutierrez ang plano ni Robredo na paglulunsad ng non-government organization na Angat Buhay sa July 1 o isang araw matapos siyang bumaba sa pwesto.