Advertisers

Advertisers

2 Pharmally officials nakalaya na

0 278

Advertisers

LUMAYA na mula sa Pasay City Jail ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, alas-8 ng umaga nang matanggap nila ang release order na pirmado ni Senate Pre-sident Vicente Sotto, III.

Magugunitang November 2021 nang ilipat sa Pasay City Jail sina Dargani at Ong matapos magmatigas na ibunyag kung nasaan ang mga financial documents ng kumpanya na hinihingi ng Senate Blue Ribbon Committee.



Si Ong ay hawak na ng senado noon pang September 21, 2021 matapos i-contempt dahil sa pag-iwas sa mga tanong ng mga senador at pagsisinungaling samantalang naaresto si Dargani noong November 14 nang tangkaing lumabas ng bansa sa Davao City International Airport.