Advertisers

Advertisers

Kotse nahulog sa bangin: 2 paslit patay

0 309

Advertisers

Patay ang dalawang bata habang tatlo ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang sasakyan sa Bontoc, Mountain Province nitong Huwebes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Fausto Querido Ballakis, Jr., 11; at Nathan James Oloan Ballakis, 4 anyos.

Sugatan naman sina Jeranie Querido Ballakis, 50; Fausto Langagan Ballakis, Sr., 51; at Fernan Querido Ballakis, 18 anyos.



Ayon sa imbestigasyon ng pulisya ng Bontoc, pauwi ang magkakamag-anak sa Sabangan sakay ang Tamaraw FX.

Habang nagmamaneho si Fernan sa kalsada ng Brgy. Gonogon, 10:00 ng gabi nang maidlip ito kung kaya nahulog ang sasakyan sa bangin na may 25 hanggang 30 ang lalim.



Sinugod sa ospital ang limang sakay ng Tamaraw FX ngunit idineklarang patay ang dalawang bata

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">