Advertisers

Advertisers

Presyo ng produktong petrolyo posibleng umabot sa P100 kada litro – DOE

0 254

Advertisers

POSIBLENG umabot sa P100 ang presyo ng kada litro ng produktong petrolyo ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr., posibleng mangyari ito ngunit hindi sa isang bagsakan o isang price hike lamang.

Ipinaliwanag ni Erguiza na kung base sa isang ‘dramatic extreme reason’, hindi mangyayari ang P100 sa isang biglaang pagtaas.



Ipinunto naman ng opisyal na marami pa ring factors ang nakakaapekto sa presyo ng langis sa bansa ngunit wala naman itong binanggit na partikular na dahilan.

Ngayong araw, aasahan naman ang mahigit tatlong pisong dagdag sa kada litro ng diesel at 80 centavos sa gasolina.



Sa datos mula sa DOE, hanggang noong June 14, ay umabot na sa P28.70 ang nadgdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, P41.15 sa presyo ng kada litro ng diesel at P4.85 sa kada litro ng kerosene.

Sa ngayon ay naglalaro na sa P91.90/liter hanggang P94.90 ang presyo ng diesel.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">