Advertisers
KINUMPIRMA ni Vice President-elect at incoming Education Secretary Sara Duterte na ipinag-utos ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagrerepaso at pagrerebisa sa implementasyon ng K-12 program sa bansa.
Ang naturang hakbang ay sa gitna ng ilang mga panawagan na suspindehin na ang pagpapatupad ng naturang programa.
Aminado naman si VP Sara na ang bagay na ito ay kailangang talakaying mabuti at maraming pag- uusap ang kailangan gawin dahil hindi umano mareresolba ang naturang isyu sa loob lamang ng isang gabi.
Ayon pa kay VP Sara, titingnan niya ang tatlong usapin tulad ng epekto ng pandemic sa mga mag-aaral, full iimplementation ng face-to-face classes, at ang masusing talakayan sa K-12 program.
Samantala, handa namang makipagdayalogo ang bise presidente at magsagawa ng konsultasyon sa grupo ng mga guro at magulang upang pag-usapan ang sistema ng edukasyon sa bansa, gayundin ang umento sa sahod ng mga guro.