Advertisers

Advertisers

VP LENI RERESBAKAN NA NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS

0 333

Advertisers

PINAG-AARALAN na ng kampo ni outgoing Vice President Leni Robredo ang paghahain ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng fake news, kabilang rito ang social media platform na nagho-host nito, sabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez.

“Hindi lang para kay VP Leni, hindi para sa maraming tao na naging biktima ng ganitong klaseng paninira sa social media, pero para sa kapakanan at kabutihan ng ating buong bansa at ng ating buong lipunan na ‘di ba, kailangan maipalabas natin ‘yung totoo,” dagdag pa ni Gutierrez.

Matatandaan na sinabi ni UP Diliman Journalism Professor Yvonne Chua sa isang pagdinig sa Senate constitutional amendments and revision of codes committee na karamihan ng disinformation sa social media ay nakatuon sa pag-atake kay Robredo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">