Advertisers
NAIS pamunuan muna pansamantala ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Agriculture.
Ito ang ginawang pahayag ni Marcos sa isang press conference sa BBM headquarters sa Mandaluyong City.
Sinabi pa ni Marcos na kaniyang ire-reorganize ang Department of Agriculture at tututukan ang mga problema ng bansa sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Marcos, kaya siya nagdesisyon na pamunuan muna ang agricultural department upang maorganisa ito at mahanda sa mga susunod na taon.
Marami aniyang kailangang palitan at maraming opisina na hindi na masyadong nagagamit o kailangan nang i-retool para sa post-pandemic scenario.
Dagdag pa niya na kabilang sa kaniyang prayoridad ang pataasin ang produksyon ng palay.
“We will rebuild the value chain of agriculture. That is why I thought its important that the president take that portfolio so that not only to make it clear to everyone what a high priority we put on the agricultural sector, but also as a practical matter so that things will move quickly,” paliwanag pa nito.
Mabilis aniya ang paggalaw ng global economy kung kaya’t kailangang maging maayos ang pagresponde ng bansa sa mga isyu na kailangang tugunan. (Vanz Fernandez)