Advertisers

Advertisers

Easy-2 ni Alvin Quiapo, namamayagpag

0 1,052

Advertisers

Namamayagpag ‘di umano ang sugal na easy-2 ng isang Alvin Quiapo sa buong Maynila partikular na sa AOR ng MPD-PS3 na kinabibilangan ng buong Quiapo, Oroquieta, LRT, Central market at marami pang iba.

Nuknukan anila ng dami ang mga kubrador nitong si Alvin na harapan at hayagang nangungubra sa kanilang mga puntos na para bang legal na legal ang kanilang hanapbuhay.

Marami ang nagugulat sa kalakaran nitong si Alvin na para bang wala man lang kaba o konting takot man lang. Tila nabili na yata nito ang mga lugar na hurisdiksiyon ng nasabing presinto.



Napag-alaman din natin na isang alyas Badjing ang lumalabas na KABO at pinaka-trusted na tauhan nitong si Alvin. Dito pina-pasok ng lahat ng mga kubrador ang kanilang kubransa, ruta at perang umaabot daw ng kalahating milyon araw-araw.

Ayon sa ilang kubrador, lumalakas daw ang loob nila dahil sagot daw nitong si Badjing ang huli o anumang abala na kasa-sangkutan nila, may blessing ika nga.



Si Alvin na siyang bangka’t kapitalista ay wala daw masyadong exposure. Si Badjing daw halos ang humaharap at namamahala sa lahat-lahat ng aktibidad.

Malaki nga ang posibilidad na milyon ang kini-kita ng mga ito. Mantakin mong tatlo o apat na beses yata sa araw-araw kung bolahin ang easy-2.



Sa puntong ito ay para yatang nabubukulan ang mga kinauukulan na may sakop sa mga nasabing lugar. Totoo nga kayang walang kaalam-alam ang mga ito sa naga-ganap na illegal-gambling?

Di naman namin sinasabing nakatimbre ang mga ito kung kaya’t nagtetengang kawali na lang at nagbubulag bulagan na lang ang mga pulis at opisyal dito sa MPD-PS3.

Totoo man o hindi, mararamdaman naman natin kung may galaw at aksiyong mamumutawi sa hanay ng ating kapulisan.

PERGALAN SA REGION 4-A O CALABARZON, PARANG MGA KABUTENG NAG-SULPUTAN

Para daw mga kabuteng nagsulputan ang mga pergalan sa lahat ng mga probinsiyang nasasakupan ng Region 4-A na mas kilalang CALABARZON.

Makikita daw ang mga pergalang ito sa mga probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na siyang sumisimbolo sa CALABARZON.

Halos lahat daw ng mga Plaza, palengke at iba pang mga komersiyong lugar dito sa nasabing mga probinsiya ay meron pergalan na para bang legal at lisensiyado.

Umaabot daw ng milyon ang pinagtatalunan pera dito sa mga pergalang ito na isa lamang gambling — front para sa sugal na color game. Kadalasan daw ay inaabot ito ng 24-oras segun kung may mga tao pang nananaya.

Kung titingnan, para bang mga untouchable ang mga kapitalistang nagmementena ng mga color game na ito na walang pinagkaiba sa mga casino dahil umaabot ng sampu ang mga mesang nakalatag dito kada puwesto.

Bawat pwesto at lugar na pinagdarausan nito ay may mga nakaposteng mga barangay tanod na lumalabas na mga security at tagapamayapa sakaling may maganap na gulo.

Lahat ng mga ito ay may suweldo araw-araw galing sa mga kapitalista. Bukod sa mga ito ay tumatanggap din ng partikular ang mga barangay opisyal kada linggo para sa lugar at pwesto. May mga pulis din na kumukuha sa pergalan gabi-gabi.

PERA-PERA LANG DAW, PWERA DAMDAMIN!!! TSK… TSK… TSK…

Kinilala ng ating source ang mga kapitalista ng mga sugalang ito na sina… TATA, NELMA, LITO AT EMILY PARA SA BUONG PROBINSIYA NG CAVITE…..SINA BABY, LARRY BOKBOK, MAG-ASAWANG RONNIE AT FE SA BUONG PROBINSIYA NG LAGUNA…..ANG BUONG PROBINSIYA NAMAN NG BATANGAS AY KOPO NINA ALING NELY, VENICE AT BETH…

Alam kaya ng ating butihing Regional Director Brig. General Antonio Yarra ang kaganapang ito sa CALABARZON?