Advertisers
SA unang pagkakataon, naitala sa kasaysayan ng politika na ang Kalihim ng Agrikultura ay mismong ang Pangulo ng Pilipinas.
Yes! Tamang gampanan “muna” ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagiging bosing ng Kagawaran ng Agrikultura upang siguraduhin na matutugunan ang kakulangan ng pagkain sa bansa, at mawala narin ang grabeng katiwalian sa ahensiya.
Ang hakbang na ito ni BBM ay para mapigilan ang posibleng epekto ng pagkakaroon ng food crisis dahil sa mga nangyayari sa labas ng bansa tulad ng patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produkto ng petrolyo.
“As to agriculture, I think the problem is severe enough that I decided to take on the portfolio of Secretary of Agriculture, at least for now, and at least until we can re-organize the Department of Agriculture in a way that can make it ready for the next years to come,” diin ni BBM na magsisimula sa kanyang termino sa katapusan ng buwan.
Sinabi pa ni BBM na dahil sa mga nangyayari ay naaapektuhan ang food supply gayundin ang iba pang pangangailangan pang-agrikultura tulad ng mga abono, animal feeds at iba pa, na maaaring magresulta ng shortage at pagtaas ng presyo ng mga pagkain sa susunod na mga panahon.
Pinagdiinan din ni BBM na kailangan mapag-aralang mabuti ang mga plano at hakbang upang maayos na matugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng bansa pagdating sa mga panahon ng kagipitan. Mismo!
“In the Philippines, we have been able to adjust to the situation in terms of the importations from Ukraine and Russia. But these emergency measures that we have taken will not be sufficient in the long run. That’s why we have to plan in a more thorough fashion than just responding,” sabi ng incoming President.
“I have asked the DTI, NEDA, and, of course, the DOF and DBM. I have asked them all to start to make forecasts, economic forecasts on what we would have to face for the rest of this year so that we can prepare,” dagdag pa nito
Ipinaliwanag ni BBM na bukod sa pagbibigay prayoridad sa agrikultura, pabibilisin din ng kanyang administrasyon ang pag-unlad ng sektor na lubos na kailangan para malutas ang kakulangan sa pagkain.
“We are going back to basics and we will rebuild the value-chain of agriculture. And that is why I think it’s important that the President take that portfolio so that, not only will we make it clear to everyone, what a high priority we put on the agricultural sector, but also as a practical matter so that things will move quickly because the events of the global economy are moving very quickly.
“We have to be agile. We have to be able to respond properly in a very measured way as soon as there is a situation that needs to be addressed.”
Matatandaang isa sa pangako ni BBM noong kampanya ay ang pagpapaunlad ng agrikultura sa bansa lalo na’t pinakita ng Covid19 pandemic ang problema natin pagdating sa supply ng pagkain.
Reaksyon naman ng netizens: Aprub na aprub sa kanila na pamunuan ni BBM ang Agrikultura. At sana raw ay hawakan din niya ang Bureau of Customs kungsaan masyado nang talamak ang smuggling ng agri products, dahilan para malugi ang ating mga magsasaka.
Pag hinawakan din ni BBM ang BoC, baka sakaling mawala na ang grabeng smuggling. Puede!