Advertisers

Advertisers

Retiradong pulis patay sa inawat na senglot

0 183

Advertisers

NASAWI ang isang retiradong pulis habang pinapatahan ang isang lasing na nanunutok ng baril sa isang babae sa Sitio Angib, Barangay Amot, Quezon nitong Linggo, Hunyo 19.

Kinilala ni Police Senior Master Sgt. Neil Monteverdi, officer-on-case, ang biktima na si Orlando Bantucan, 66 anyos, residente ng Barangay Poblacion.

Arestado naman sa follow-up police operation ang salarin na si Arcel Azores, 40, trabahador, kapitbahay ng biktima.



Sa ulat, 7:30 ng gabi nang gumawa ng kaguluhan sa lugar si Azores na lasing nang tutukan nito ng baril si Jonamay Vergenisa.

Nang makita ng biktima ang insidente, sinubukan nitong pakalmahin si Azores nguni’t binaril ito ng huli sa kaliwang bahagi ng dibdib.



Idineklarang dead on arrival ang biktima sa Rural Health Center dito.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya si Azores at sasampahan ng kasong homicide sa piskalya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">