Advertisers

Advertisers

BGY. KAGAWAD SA QUEZON CITY TIMBOG SA ‘LOTENG’

0 363

Advertisers

ARESTADO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang barangay kagawad ng Doña Aurora sa lungsod nang maaktuhang nagpapataya ng “loteng”.

Sa operasyong ikinasa ni CIDU chief, Police Lt. Colonel Mark Julio Abong, 5:40 ng hapon ng Lunes (Hunyo 20), nasakote ang Bgy. Kagawad na si Elizer Dela Cruz y Delanon, 64 anyos, may asawa, at naninirahan sa 65 Lopez Jaina St., Barangay Doña Aurora.

Ang pagdakip ay kaugnay ng pinaigting na pakikipag-ugnayan ng pulisya sa pamayanan para sa malawakang kampanya laban sa lahat ng uri ng iligal na sugal na iniutos ni QCPD District Director, Gen. Remus Medina.



Sa ulat ni Abong kay Medina, naging epektibo ang partisipasyon ng isang concerned citizen na nag-ulat sa lantarang kolektahan ng pataya sa kahabaan ng Lopez Jaina Street sa nasabing barangay.

Naaktuhan ang kagawad ng tropang inorganisa ni General Assignment Section OIC PEMS Rommel Merino na nagpapataya, kungsaan nakumpiska ang kaniyang listahan ng mga numerong taya sa EZ2-loteng, ballpen at P200 na koleksyon.



Si Dela Cruz ay sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as amended ng Republic Act 9287 o EZ2/Loteng ng QCPD sa piskalya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">