Advertisers

Advertisers

K12 program, sana ay tuluyan nang ibasura ng BBM admin

0 345

Advertisers

Noong iimplementa ang programa ng pamahalaan sa edukasyon (PNoy administration) ang hinggil sa K to 12, maraming umangal na magulang dahil sa dagdag gastos pa ito. Maging ang mga guro ay nagreklamo.

Dagdag gastos hindi lamang sa matrikula at sa halip ay sa daily expenses. Biruin mo nga naman dalawang taon ang idadagdag sa pag-aaral ng mga bata sa high school.

Dahil sa maraming umalma, minabuti ng gobyerno ang maglabas ng subsidiya – P20,000 kada estudyante para sa loob ng isang taon. Bale P20,000 sa pagpasok sa grade 11 at P20,000 sa pagpasok sa grade 12.



Isa pa sa naging katuwiran ng pamahalaan noon para maenganyo ang mga magulang sa nasabing programa ay maari nang makapasok sa trabaho ang bata kapag nagtapos sila sa grade 12.

Pero nagdaan ang ilan taon, marami na naman ang umangal dahil sa magulo ang implementasyon ng K12 bukod sa nakitang wala rin itong silbi o walang naitutulong sa mga mag-aaral. Bukod sa hindi rin naman tinatanggap sa trabaho – office work ang mga nagtapos na ng grade 12 taliwas sa sinasabi ng pamahalaang Aquino noon.



Katunayan maging ang grupo ng mga guro ay nagsasabing i-abolish na ang Kto12 program dahil wala rin naman itong naitutulong sa mga mag-aaral.Sablay pa daw ang K12 program.

Dahil sa mga reklamo laban sa programa, inasahan nga ng nakararami noon na i-abolish na ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pag-upo noong 2016 pero hindi nangyari at sa halip ay nagpatuloy lang ang programa.



Ngayon, pinarerepaso ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., aka “PBBM”” ang nasabing programa. Hiniling niya kay VP-elect Sara Duterte na siyang magiging Kalihim ng Department of Education (DepEd) na pag-aralan mabuti ang hinggil sa programa.

‘ika naman ni VP Inday na kailangan pag-usapan ito ng mabuti…“That is something na kailangan pag-usapan, na it cannot be decided overnight… but initially it is something na napag-usapan din namin ni President Marcos and he already give instructions with regard to the review of the implementation of K-12 program of the Department of Education.”

Dagdag pa ni VP Duterte na handa din siyang makipagdayalogo sa mga guro at magulang kasunod na rin ng hiling ng grupo na itigil na ang pagpapatupad ng K to 12 program.

Sa wakas at napansin naman ng pamahalaan o ng papasok na bagong administrasyon ang matagal nang idinadaing hinggil sa K12 program. Marahil ay nakita ni PBBM na malaki ang pagkukulang sa implementasyon ng K12.Bukod sa maari rin nakita ni Pangulong BBM na pabigat lang ito sa mga mag-aaral lalo na ngayon panahon ng pandemya bukod sa naantala lang ang mga bata sa tamang panahon ng pagtatapos ng kolehiyo.

Sana sa gagawing pagrepaso ay hindi lang ang implementasyon ang ikonsidera at sa halip ay tuluyan na itong buwagin. Nakita naman natin na wala rin ito naitutulong sa mga mag-aaral at sa halip ay pinahihirapan lang ang mga mag-aaral. Hindi lang mga mag-aaral kung hindi lalo na ang mga magulang.

Katunayan, dahil sa K12 ay mas maraming mag-aaral ang huminto sa pag-aaral. Tinatamad na dahil sa nadagdagan pa ang taon ng pag-aaral. Kaya sana ay tuluyan nang ibasura ng papasok na administrasyon ang K12. Huling batch na ang mga papasok sa grade 11 ngayon o hindi kaya, ikonsidera na lamang sila na hanggang grade 11 na lang sila at gagraduwyet na.

Ulit, taliwas ang sinasabi noon ng Pnoy admin na maaari nang pumasok sa trabaho ang mga nagtapos ng grade 12. Isang kasinungalingan ang lahat.

Sana, tuluyan nang ibasura ng BBM admin ang K to 12 program.