Advertisers

Advertisers

Grade 8 student inabuso ng tiyuhin

0 401

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki matapos abusuhin ang Grade 8 student na pamangkin nito kahapon sa Makati City.

Nasa custody ngayon ng Makati City Police ang suspek na si Mark Anthony Claudio, 33, taga-Barangay Bangkal ng nabanggit na siyudad.

Hindi na pinangalanan ang biktima na isang 16-anyos.



Sa report, base sa reklamo ng biktima at lola nito, naganap ang insidente 4:00 ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay.

Habang natutulog ang dalagita sa loob ng kuwarto kasama ang kanyang tiyahin ay naramdaman nito na may humihipo sa kaselanang bahagi ng kanyang katawan.

Nang magising ang biktima ay nakita niya ang kanyang tiyuhin ang gumagawa ng kalaswaan sa kanya kaya nagsisigaw ito, dahilan upang magising ang kanyang tiyahin at lola.

Kaagad nagreklamo ang biktima sa barangay kasama ang lola, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Sinampahan si Claudio ng kasong Acts of Lasciviousness sa Makati City Prosecutors Office. (Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">