Advertisers

Advertisers

2 katao nangisay sa fluvial parade sa Pampanga

0 242

Advertisers

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang fluvial parade nang sumabit sa kawad ng kuryente ang isa sa mga bangka at nakuryente ang anim na sakay nito sa Apalit, Pampanga nitong Martes.

Ayon sa ulat, ang fluvial parade, parte ng ‘Libad Ilug’ ng Apung Iru na nagbalik matapos ang dalawang taon dahil sa COVID pandemic. Nasa 2,000 bangka ang lumahok sa nasabing aktibidad.

Ngunit ang isa sa mga ito, sumabit ang pole ng banderitas sa isang kawad ng kuryente.



“May mataas na flagpole, parang pinagsabitan ng flag, yung isang bangka natin na umabot doon sa gilid na nasa kuryente sila sa NGCP Grid line natin. Parang nalipat po ‘yung kuryente dun sa bakal na lalagyan nung flag nila, eh ‘yung mga tao basa din po, at ‘yung pole diretso sa bangka basa sila lahat, ‘yun po ang nag-cause ng pagkakuryente ng ating mga pasahero,” pahayag ni Lt. Col Jose Chalmar Gundaya ng Apalit police.

Anim katao ang tinakbo sa pagamutan, ngunit dalawa rito ang hindi na umabot ng buhay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">