Advertisers

Advertisers

Edad 12-17 na non-immunocompromised puede nang magpa-booster

0 187

Advertisers

PUWEDE nang makapagpaturok ng COVID-19 booster dose ang mga kabataang non-immunocompromised na kabilang sa 12-17 age group simula bukas, Hunyo 30, o sa mga susunod na araw.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naglabas na ang DOH ng mga panuntunan na magpapahintulot sa mga kabataang ito na tumanggap ng kanilang COVID-19 booster shots.

Ayon dito ay maaaring masimulan ang pagkakaloob ng booster shots sa kanila ngayong araw, Hunyo 30, o sa mga susunod na araw.



Nabatid na maaaring tumanggap ng karagdagang dose o first booster dose ang mga naturang kabataan, kung may limang buwan na ang kanilang COVID-19 second dose.

Maaari silang magparehistro sa lokal na pamahalaan at barangay o kaya ay magtungo sa mga walk in vaccination sites, kasama ang kanilang mga magulang o guardian.



Pinaalalahanan din sila ng DOH na magdala ng balidong identification cards, dokumento na nagpapatunay sa relasyon sa bata at ang COVID-19 vaccination card ng mga batang magpapabakuna.

Matatandaang una nang ini-rollout ng pamahalaan ang first booster dose para sa 12-17 years old na immunocompromised noong nakaraang linggo. Eligible silang tumanggap ng naturang bakuna, 28-araw matapos na tanggapin nila ang kanilang COVID-19 primary series o una at ikalawang dose ng bakuna. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">