Advertisers

Advertisers

Usec. Faustino umupo na bilang OIC ng DND

0 169

Advertisers

PORMAL nang umupo bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Department of National Defense si Usec. Jose Faustino Jr..

Noong Biyernes, July 1, 2022, nagkaroon ng transition sa DND kung saan isinalin ni dating Secretary Delfin Lorenzana ang kapangyarihan kay Faustino.

Online ang programa dahil tinamaan ng COVID-19 si Faustino kaya hindi ito pisikal na nakadalo.



Sa transition, pinagmalaki ni Lorenzana ang maraming nagawa ng DND sa kanyang pamumuno, kasama ang tagumpay sa Marawi seige, AFP modernization program, gayundin ang laban sa pandemya.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng sumuporta sa kanya.



Sa mensahe naman ni Faustino, kinilala niya ang mga nagawa ni Lorenzana at kung paano nito pinangalagaan ang seguridad ng bansa.

Nagpasalamat din siya kay President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.



Ani Faustino, hangad niya ang patuloy na kapayapaan sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng depensa sa teritoryo.

Tiniyak ni Faustino na kaniyang isusulong at mas palakasin pa ang AFP modernization program.

Si Faustino ang ika-56 na AFP chief-of-staff. Pinangunahan din nito ang Joint Task Force Mindanao at naging acting commanding general ng Philippine Army.

Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1988, mistah ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino at dating PNP Chief Ret. PGen. Dionardo Carlos.